Friday , October 7 2022
Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan ng baril ang isa sa kanila, sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Allan Bataanon, 37 anyos, ng Mabolo St., Brgy. Maysilo at Norlito Pacon, 40 anyos, ng C-4 Road, Brgy. Tañong.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) tungkol sa nagaganap na ilegal na sugal na cara y cruz sa Leoño St., Brgy., Tañong.

Kaagad nagresponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt.  Manny Ric Delos Angeles na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktohang nagka-cara y cruz dakong 3:15 am.

Nakompiska ng mga pulis ang tatlong pirasong one-peso coin na gamit bilang pang-kara at P890 bet money, pero nang kapkapan ang mga suspek, nakuha kay Pacon ang isang kalibre 38 revolver, kargado ng anim na bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions ang kakaharapin ni Pacon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Atty Alex Lopez Percy Lapid

Lopez nanawagan ng pagkakaisa  
 PABUYA VS ‘GUNMAN’ AT ‘MASTERMIND’ NG PAGPASLANG KAY PERCY LAPID HINIKAYAT PATAASIN

HINIMOK ni Atty. Alex Lopez ang mga mamamahayag na magsamasama at kondenahin ang nangyaring pamamaslang …

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

Sa Bulacan
NAGPAPAKALAT NG PEKENG YOSI KINALAWIT

NALAGASAN ng isang miyembro ang mga nagpapakalat ng pekeng sigarilyo sa Bulacan matapos madakip ang …

May kasong murder AWOL NA PULIS TIMBOG

May kasong murder
AWOL NA PULIS TIMBOG

ARESTADO ang isang dating pulis na nag-AWOL (Absence without Official Leave) sa isinagawang manhunt operation …

Trixie Cruz-Angeles Mike Toledo Gilbert Remulla Cesar Chavez

3 Media big shots pinagpipiliang Press secretary

TATLONG nagmula sa media industry ang mga kandidatong susunod na Press Secretary ng administrasyong Marcos, …

100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead …