Monday , August 15 2022

Imee at Cristina ipinagdiwang International Friendship Day

GIRL power galore at isang pagdiriwang ng kagandahan at pakikipagkaibigan ang tema ng bagong vlog ni Senator Imee Marcos ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel. 

Kasama ang kanyang kaibigan at espesyal na celebrity guest, nakipag-bondign si Imee sa film and television actress turned public servant na si Cristina Gonzalez-Romualdez. Maaaring abangan ng fans ang isa na namang masayang episode habang pinag-uusapan nina Imee at Kring ang kani-kanilang mga buhay sa gitna ng isang nakaaaliw na bag raid. 

It was such a cool bonding moment with Kring,” sabi ni Imee. “Gagawa sana kami ng isang girl’s night out vlog pero ‘di magtugma ang mga schedule namin. It was great to finally sit down with her and just have a wonderful time together. We were laughing so hard and being with her really brought back such lovely memories. Sobrang saya ko na nagawa ko itong vlog kasama siya.” 

At bilang pangkaragdagang sorpresa, bibigyan ni Imee ang kanyang loyal viewers ng all-access pass sa loob ng Senado at pasilip sa museum nito na punompuno ng mga memorabilia. 

Makinig sa intimate bonding nina Imee at Cristina at tunghayan ang bahagi ng ating kasaysayan sa Senate museum, at mag-subscribe sa  https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

About hataw tabloid

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …