Sunday , August 14 2022
Maegan Aguilar bida next

Bida Next ng EB pag-asa ni Maegan para makita ang nawalay na anak 

I-FLEX
ni Jun Nardo

KAPWA pasok sa Next Call ng Bida The Next segment ng Eat Bulaga ang celebs na sina Denise Barbacena at singer-Maegan Aguilar na anak ni Freddie Aguilar na sumalang last Saturday.

Naging mainstay ng Bubble Gang si Denise pero isa siya sa nakasama sa revamp ng gag show.

Inilahad naman ni Maegan ang dahilan kung bakit siya sumali sa Bida The Next. Gusto niyang makitang muli ang panganay na anak na nasa Houston, Texas, kasama ang ama, na nawalay sa kanya noong dalawang taong gulang pa lamang ito.

Sa kuwento ni Maegan, huli silang nagkita ng anak noong 2015 nang sumali siya sa isang music competition sa Mephis. Pero hindi na ito naulit pa.

Naisip ni Maegan ang pagsali sa kontes ang paraan upang muling magkaroon ng komunikasyon sa nawalay na anak.

Bahagi ng pahayag pa ni Maega, “Hopefully my son gets to see this and see me now that I miss him.”

Sino kaya ang susunod na celebs para mag-audition sa Bida Next ng Eat Bulaga?

About Jun Nardo

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …