Saturday , April 20 2024
Adrianna So Kych Minemoto Alex Diaz

Adrianna So at Kych Minemoto, nagpasasa kay Alex Diaz sa PaThirsty

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang maiinit na love scene nina Adrianna So, Kych Minemoto, at Alex Diaz sa pelikulang PaThirsty.

Wala namang threesome ang tatlong stars ng pelikulang ito na palabas na sa Vivamax ngayon, pero ang sexual bout ni Alex sa mag-BFF na sina Adrianna at Kych ay tiyak na maghahatid ng kiliti sa mga manonood.

Bigay-todo kasi sila sa matinding lampungan dito, na kabilang sa atraksiyon ng pelikula. Although para sa amin, ang PaThirsty ay hindi talaga BL movie, kundi pelikula ng pagkakaibigan, kaya tiyak na maraming makaka-relate rito.

Bukod sa mga mag-BFF, tiyak na swak na swak ang pelikulang ito sa maraming members ng LGBTQIA+ community.

Kapwa galing sa failed relationships ang mag-BFF na sina Achilles (Kych) at Pearl (Adrianna), kaya naging match maker ang huli at isinet-up ang BFF niya kay Ali (Alex). Ngunit sa hindi inaasahang twist of events, pati si Pearl ay napalapit kay Ali at dito lalong naging interesting ang kuwento ng pelikula.

Tiniyak naman ni Alex na maraming maiinit na eksena sa kanilang pelikula.

Aniya, “I think you guys gonna see very spicy love scenes, very honest chemistry and, honestly, at this point of my life, I feel like my career is so much more than just a personal thing.

“It has become a beacon for a lot of people who don’t see representation in the media and, for me, that gives me so much purpose. Palagi naming sinasabi na sexuality is really not an issue… for me, if the material is good, if the material can stand, we’ll do it.”

Tampok din sa PaThirsty sina Chad Kinis, Bob Jbeli at Kate Alejandrino. Ito’y mula sa direktor ng Game Boys na si Ivan Andrew Payawal.

About Nonie Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …