Monday , May 13 2024
Ima Castro Sephy Francisco Funpasaya sa Fiesta 2022

Ima at Sephy nagpatalbugan sa Funpasaya sa Fiesta 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

DINUMOG ang mini-concert via Funpasaya sa Fiesta 2022 nina Ima Castro at Sephy Francisco sa Socorro, Surigao Del Norte kamakailan na ginanap sa Plaza Bucas Grande Island.

Nakasama nina Ima at Sephy sa mini-concert ang Club 690 performers na sina Cherry Pie, Aikee The Black Butterfly, at Fire Diva Daryl na talaga namang mabentang-mabenta sa mga taong naroroon.

Sobrang pinahanga nina Ima at Sephy ang mga nanood sa konsiyerto dahil talagang  nag patalbugan ang dalawa sa kani-kanilang production numbers na sinuklian ng malakas na palakpakan at hiyawan mula sa mga manonood.

At dahil first time nina Ima, Sephy at ng iba pa ang makapunta sa Surigao Del Norte,   inilibot ang mga ito sa ilang magagandang lugar, falls, at beaches doon na ikinamangha nila. 

Ang Funpasaya sa Fiesta 2022 ay hatid  ng Soccoro Tourism Office at Municipality of Socorro Surigao Del Norte at sa pakikipagtalungan ni Raoul Barbosa ng Wemsap na siyang script writer at direktor ng show kasama si Jeffrey Dizon, technical direktor. 

About John Fontanilla

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Krissha tinabihan ng multo sa kama

RATED Rni Rommel Gonzales NARANASAN na pala ni Krissha Viaje na multuhin. Si Krissha mismo ang nagkuwento …

Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Boobs ni Sanya nagmumura sa isang poster 

I-FLEXni Jun Nardo BUMUBULWAK ang boobs ni Sanya Lopez sa poster ng bagong movie ng GMA Pictures na Playtime. Kasama …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …