Saturday , August 13 2022
nakaw burglar thief

Mag-utol timbog sa panloloob sa e-bikes shop

BULILYASO ang dalawang lalaking mag-utol nang mahuli ng mga awtoridad habang nagnanakaw sa isang e-bikes shop sa Las Piñas City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga dinakip na sina Marvin Torion, 22 anyos, at Ricky Torion, 19.

Base sa ulat ng Las Piñas City Police, bandang 2:35 am nang mahuli ang mga suspek ilang oras pagkatapos looban at tangayan ng P108,520 cash ang RUIPJEY E-BIKES na matatagpuan sa Ramos 4, sa Alabang-Zapote Road, Brgy. Talon Uno, Las  Piñas City.

Ang dalawang suspek ay nahuli dahil sa sumbong ng isang saksi na nakakita umano sa pagnanakaw kaya agad nahuli ang dalawa.

Narekober ng pulisya ang nabanggit na halaga ng pera, kutsilyo, screw driver, isang flat screw at claw bar tool.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga inaresto. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …