Thursday , June 4 2026
Man Hole Cover

Bakal na takip ng drainage iniskor
2 BASURERO ARESTADO 

BAGSAK sa kulungan ang dalawang basurero matapos maaktohang tinatangay ang takip na bakal ng daluyan ng tubig sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Troy Maglinas, 21 anyos, at Jamuel Mateo, 18  anyos, kapwa residente sa Dumpsite Sitio 6, Brgy., Catmon ng nasabing siyudad.

Batay sa  imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, dakong 9:30 pm habang nagpapatrolya ang mga tanod ng Brgy. Catmon sa Hernandez St., Brgy. Catmon nang maaktohan ang mga suspek na tinatangay ang bakal na takip ng drainage na pag-aari ng barangay.

Agad nagpakilala ang mga tanod saka inaresto ang mga suspek at doon narekober ang tinangay na bakal. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …