Andrea Brillantes

Andrea mananatiling endorser ng isang beauty product

WALANG katotohanang  tsutsugiin na sa kanyang ineendosong beauty product  Andrea Brillantes dahil sa daming isyung kinasasangkutan.

Tsika ng CEP & President ng Brilliant Skin na si Glenda Victorio, hindi niya tatanggalin na endorser ng kanyang produkto si Andrea dahil malaki ang utang na loob niya sa  actress.

Si Andrea raw kasi ang kauna-unahang endorser ng kanilang produkto noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo. Hindi rin daw ito nagdalawang isip na tanggapin ang kanilang offer na maging mukha ng Brilliant Skin kahit sikat na sikat ito.

Kaya naman kahit anong isyu pa ang kasangkutan at ipukol kay Andrea, hinding-hindi nila ito bibitawan bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at pasasalamat sa young actress.

(John Fontanilla)