Wednesday , March 22 2023
KZ Tandingan Moira dela Torre Jason  Hernandez

KZ nalungkot kay Moira, ayaw makisawsaw at pag-usapan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni KZ Tandingan na na-shock siya nang malaman ang paghihiwalay ng kanyang malalapit na kaibigang sina Moira dela Torre at asawa nitong si Jason Marvi  Hernandez.

Sa pakikipag-usap namin kay KZ sa grand launch ng pinakabagong reality talent search na Top Class: The Rise to P-Pop Stardom noong Linggo sa Glorieta Activity Center Makati City, sinabi nitong nalungkot siya.

Anang Asia’s Soul Supreme, “Siyempre sad kami, kasi both  naman sila mga kaibigan namin. Huwag na po siguro natin sila pag-usapan kasi siyempre, ano naman po nila ‘yun, eh. Kumbaga, when we keep on talking about it, that doesn’t help them heal.

But yes, nalungkot kaming lahat sa nangyari, but let’s just give them time para makapag-isip at maka-cope sila sa mga nangyari,” dagdag pa ni KZ na isa sa magiging mentor ng 30 contestants na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Top Class P-pop Idol. Ang tatlo pang makakasama niya sa show ay sina Shanti Dope (Rap mentor) at Brian Puspos (Dance mentor).

Naurirat din kay KZ kung nagka-usap na ba sila ni Moira, at sinabi nitong, “Actually po, hindi ko siya kinukulit about it, eh. I just always tell her na nandito lang ako. Kukumustahin ko siya, ganyan-ganyan.

“For sure, lahat ng tao tinatanong siya about it, so I don’t think it would help her na ‘yung mga taong nasa paligid niya ay kutkot nang kutkot ng sugat na gusto na niyang mag-heal, ‘di ba?

“Kung ikaw may pinagdaraanan ka, gusto mo na lang mawala muna, kasi, ‘di ba, hindi ka na nga makapag-concentrate roon sa personal matters, sa nangyari, marami pang mga ibang tao na nakikisawsaw at nakikialam,” sambit pa ng magaling na singer.

Samantala, muling inihayag ni KZ  ang excitement sa pagiging mentor ng Top Class. Nasabi niya sa amin noong unang makausap si KZ na looking forward siya sa kung ano ba ang maibabahagi niya sa 30 contestants habang dumaraan sila sa iba’t ibang challenges na ipagagawa sa kanila.

At noong Linggo, ipinakilala na sa entertainment media ang 30 napiling “estudyante” na ngayon pa lang ay may kanya-kanya nang hukbo ng supporters base sa dami ng nanood sa event.

Ang 30 estudyante ay kinabibilangan nina Dean Villareal, Bulacan; EL Mendoza, Batangas; LX Reyes, Bulacan; Justine Castillon, Cavite; Kim Huat Ng, Bacolod; Harvey Castro, Bataan; Joshuel Fajardo, Kuwait; Gilly Guzman, Quezon City; Kenzo Bautista, Bulacan; Seb Herrera, Laguna; Denver Dalman, Cebu; Francis Lim, Caloocan; Trick Santos, Caloocan; Jascel Valencia, Manila; Tanner Jude, Quezon City; Jon Laureles, Spain; Clyde Garcia, Ilocos; Matt Cruz, Bicol; Timothy Tiu, Quezon City; Brian Zamora, Makati City; Jeff Cabrera, Cebu; Roj Concepcion, Bulacan; Jai Gonzales, Mandaluyong; Chase Peralta, Katipunan; Dave Bono, Tondo; Ash Rivera, Baguio; JC Dacillo, Bulacan; RZ Condor, Cebu; Niko Badayos, Bacolod; at Gab Salvador, Batangas.

Iprinisinta rin sa event ang magiging host ng reality show na ipinrodyus ng Cornerstone Entertainment na si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang mga co-host niyang sina Albie Casino at Yukii Takahashi.

Nagbigay kasiyahan naman ng hapon na iyon ang mga P-pop group na alaga ng Cornerstone, ang  VXON at G22.

Mapapanood na ang Top Class: The Rise to P-Pop Stardom simula June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5(tuwing Sabado).

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Yassi Pressman Nadine Lustre James Reid Issa Pressman

Nadine may buwelta kina Issa at Yassi

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAGULO na naman ang netizens nang dahil sa isyung sangkot sina James Reid, Issa …

Blind Item gay sex

Male starlet nakatikiman ng kung ilang beses si matinee idol

ni Ed de Leon IGINIGIIT ng isang male starlet na noong araw daw ay nakilala na niya …

Eat Bulaga EB Dabarkads

Kasikatan ng Eat Bulaga wa epek kahit may mga matsutsuging dabarkads

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG hindi nga maiiwasang may mawala rin sa “dabarkads” ngayon ng Eat …

Gabby Concepcion

Gabby ‘di pa tatanggap ng lolo role kahit magkaka-apo na

HATAWANni Ed de Leon BAGAMAT sa tunay na buhay ay magiging lolo na si Gabby Concepcion mahigit …

Benz Sangalang

Benz Sangalang, thankful sa magagandang project at pag-aalaga ng Viva

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG level na ang paghataw ng career ni Benz Sangalang. …