Saturday , July 2 2022
Shayne Sava Grace Juliano Queen’s Wellness and Beauty Center

Instant Barbie Arms ni Shayne Sava ibinandera 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA kagustuhang maibahagi ang magandang dulot ng stemcell sa kalusugan, nagtayo ng sariling wellness center si Dra. Grace Juliano. Itoang  Queen’s Wellness and Beauty Center na matatagpuan sa 80 Kanlaon St. Sta. Mesa Heights.Si Dr Juliano ang bukod-tanging distributor ng stemcell sa Pilipinas na sobrang mahal na ibinebenta ng iba. 

Kaya nga nasabi ko kay Dr Grace na magtayo ng Queen’s kasi gusto talaga niyang makatulong na makapagbahagi ng good health sa mga Pinoy,” ani Gio Anthony Medina na kaibigan at business partner ni Dra Grace.

At para lalong maibahagi ang magandang advocacy ng Queen’s Wellness, kinuha nila ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava para maging endorser nito at makatulong sa pagpapalaganap ng advocacy ng Queen’s.

Tamang-tamang celebrity endorser ng Queen’s Wellness si Shayne dahil napakagandang bata at umaapaw ang sex appeal. Kaya para lalong maging perfect ang body ipinagawa niya ang “Instant Barbie Arms.”

Paliwanag ni Dra Grace, ang instant barbie arms ay paraan ng pagpapabotox ng mga braso para lumiit at mas maging firm.

In three days makikita na ninyo ang result at tolerable naman ang sakit.

Maganda itong paraan para sa mga namroroblema sa malalaki ang braso. Hindi na ito problema dahil madali nang lunasan sa pamamagitan ng instant barbie arms,” ani Dra Grace.

Sobrang ikinatuwa ni Shane ang ginawang procedure sa kanya ng Queen’s Wellness gayundin ang pagpapa-contour ng kanyang mukha para mabawasan ang bilugang hitsura nito.

Sa totoo lang, maganda na si Shane at wala na siyang dapat ipagawa. Inaalagaan lang siya ng Queen’s para mapanatili ang kagandahan. 

I feel honored kasi this is my first time na maging ambassadress ng isang wellness beauty clinic I’m so happy to be part of the family. 

 “Siyempre iba pa rin ‘yung may reliable clinic na mag-aalaga talaga sa iyo. At nagpapasalamat ako kay Dra at sa aking manager na ako ang kinuha nila para maging endorser ng Queen’s Wellnes,” ani Shane na bukod sa pagpunta rito para mapanatili ang ganda ng kanyang skin ay nag-e exercise at proper diet ang ginagawa para ma-achieve ang kaseksihan.

“At wala naman talaga akong dapat pang ipagawa sa kanya dahil nakilala ko na ganyan siya kaganda,” giit pa ng kanyang manager na si Gio. 

Sinabi naman ng Operations Manager ng Queen’s na si Melanie Conmigo na bukod sa Barbie Arms, mayroon din silang Glass Skin, Gluta Push, stem cell shots, manicure, pedicure at iba pa.

Sinuportahan ang opening ng clinic bukod kay Shayne ng mga Tawag ng Tanghalan  artist na sina Josh Labing-isa, Shanne Gulle, Anthony Castillo, JM Yosures, Luis Gragera, Rachell Laylo, Tristan Ramirez, Rap Cañedo, at ang TNT Boys member na si Mackie Empuerto.

 Kaya kung gusto ninyong lalo pang gumanda at may mag-alaga ng inyong kalusugan, go na sa Queen’s Wellness and Beauty Center dahil for sure magiging masaya kayo sa resulta ng pagpunta ninyo roon at magiging reyna ang inyong mga pakiramdam.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …