Monday , July 4 2022
prison rape

GF may ADHD
LABORER KULONG SA PANGHAHALAY

MALAMIG na selda kayakap ng isang laborer matapos dalhin sa kanilang bahay at pagsamantalahan ang kanyang 19-anyos gilfriend na may learning disabilities (ADHD) sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Arestado ang suspek na kinilalang si Melvin Miranda, 28 anyos, residente sa Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 (Rape).

Sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD), nag-message ang suspek sa biktima na itinago sa pangalang Sheena, sa pamamagitan ng facebook messenger para makipagkita sa kanya sa labas.

Dakong 1:00 am, nang magkita ang dalaga at ang suspek ngunit dinala sa kanilang bahay ang biktima na sinimulang halikan sa labi.

Kasunod nito, hinubaran ng shorts ng suspek ang biktima hanggang tuluyan umanong pinagsamantalahan ang dalaga.

Hinanap ng ina ng biktima sa pamamagitan ng Facebook (messenger) hanggang malaman na kasama ng suspek ang kanyang anak.

Humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga tanod ng Brgy. NBBS Proper saka pinuntahan ang bahay ng suspek, na noon ay kasama ang dalaga, dahilan upang arestohin ang suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Airport Special Economic Zone

Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.

IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing …

Malacañan

Palasyo dumistanya
Bonggang birthday party ni Imelda Marcos, binatikos ng netizens

DUMISTANSIYA ang Office of the Press Secretary sa napaulat na bonggang birthday party ni dating …

Nasamsam ng PDEA P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L

Nasamsam ng PDEA
P1.7-B  SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 

UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang …

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 ay may layuning ayusin ang mga depekto ng panukalang batas. “Presidential Veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz- Angeles. “Had the President not vetoed the HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag niya. Giit ng kalihim, kapos ang panukalang batas ng mga sangkap upang iugnay sa ibang batas, patakaran at regulasyon dahil hindi nakasaad dito na sakop ito ng audit provisions ng Commission on Audit (COA), “procedures for the expropriation of lands awarded to agrarian reform beneficiaries and a master plan for the specific metes and bounds of the economic zone.” Binigyan diin ni Angeles, lahat ng transaksiyon sa pananalapi ng gobyerno ay isinasailalim sa audit procedures ng COA at hindi dapat absuwelto sa naturang proseso ang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport. “Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ani Angeles. Inilinaw ni Angeles, tuloy ang konstruksiyon ng P740-billion international airport sa Bulacan dahil ang “San Miguel franchise to operate the airport” ay aprobado ng Senado at Kamara noong 11 Oktubre 2020. “The construction of the Bulacan international airport and aero city is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB 7575 entirely unconstitutional,” paliwanag niya.

Sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport
‘DEPEKTO’ NG HB 7575 AAYUSIN NG VETO 

ni ROSE NOVENARIO TODO-SUPORTA si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtatayo ng Bulacan Airport City …

ombudsman

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City …