Monday , July 4 2022
Angie Ferro

Donasyon para sa hospital bills ni Angie Ferro na-scam

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANG saklap naman ng ginawa ng scammers sa pondong nililikom para sa hospital bills ng veteran actress na si Angie Ferro, huh.

Sa Facebook post ng creative writer na si Suzette Doctolero, gumawa sila ng isang donation drive para kay Angie. Nasa ICU si Ferro ng QuliMed sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakalikom ng P43K sa unang araw. Pero may scammer na nang-uto kaya natangay ang halos P5k sa nalikom na pondo. Mabuti na lang daw at naibigay na ang halagang P30K plus sa unang nalikom sa pamilya ni Angie.

Nagbibigay ng babala si Doctolero na  na mag-ingat sa scammer na nagpapadala ng link at huwag isapubliko ang inyong gcash number.

Wala nang binanggit pa si Suzette kung ano ang sakit ni Angie na isa sa pelikulang ginawa ay ang Lola Igna.

About Jun Nardo

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …