Friday , June 24 2022
Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na masaya siyang nakukuha ang magagaling na showbiz stars bilang endorsers.

Ayon sa lady boss ng Beautéderm, sobra siyang kinikilig na kabilang sa endorsers nila ang Primetime Queen na si Marian Rivera at Movie Queen of her Generation na si Bea Alonzo.

Sambit ni Ms. Rhea, “I’m very happy po na nakuha ng Beautederm ang magagaling na artista.”

Nakangiting dagdag pa niya, “Pero main reason naman kaya we get endorsers ay para makilala ang brand. Sila kasi ang magre-represent niyon. Sino ba naman ang hindi kikiligin na may Marian ka na, may Bea ka pa?”

Si Marian na kare-renew lang kamakailan ay endorser ng Beautéderm Home na ang bagong produkto ay ang Pour Tout Faire, isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya.

Si Bea naman ang brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Ito ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements na parehong meticulously developed and formulated upang matulungan ang katawan para magkaroon ng optimum digestive health. Ang kombinasyon ng dalawang supplements na ito ay nakatutulong upang ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food sa katawan at tinutulungan nito ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan while allowing the consumption at digestion ng pagkain ng walang discomfort.

Nabanggit ni Ms. Rhea na matagal na niyang idol si Bea.

“Si Bea super-idol ko iyan. Inulit-ulit kong panoorin yung movies niya. At alam niya yun, even teleserye niya inuulit ko at tag ko sa kanya. Napakagaling na actress ni Bea. Kaya when she said yes to be one of my endorsers, sobrang saya ko at nakilala ko ang isang Bea Alonzo,” masayang sambit pa niya.

Aniya pa, “Si Bea right endorser talaga sa slimming natin. Kasi sinasabi niya na puwede kung gusto mo di ba? Self love yun sa aming mga kakabaihan. Need natin alagaan ang health natin, ‘di lang para sa sarili natin. Pero dahil din marami ang umaasa sa atin, kaya need natin maging healthy.

“Bea is super sweet. Kahit maliit na bagay ang ipadala ko sa kanya, she takes time to acknowledge it. I call her Basha talaga, kasi fave ko movies nila ni John Lloyd.”

Ito naman ang nasabi niya sa magandang misis ni Dingdong Dantes.

Wika ni Ms. Rhea, “Si Marian, gandang-ganda ako sa kanya. Parang Mama Mary ang beauty niya, hahaha! Iyong eyes niya ay sobrang ganda, laging naka-smile. What I love about her napaka-witty, ‘di ba?

“Ang ganda niya, tapos ay palatawa lang siya. Mas lalo ko siyang minahal nang naging nanay siya. Kasi super hands on, she knows her priorities sa buhay. Laging number-1 ang family sa kanya, kaya best at bagay na bagay sa Beautederm Home. Nag-eexcel si Marian hindi lang sa work, kundi pati sa pagiging ina at misis ng tahanan.”

Nabanggit din ng mabait at masipag na lady boss na masaya siya dahil naging parte sina Bea at Marian sa pag-spread ng advocacy ng Beautederm.

“Ang company natin, maraming natutulungan at pinapag-aral. And happy ako na kasama ko sina Bea at Marian sa pag-spread ng advocacy na iyon.

“Na kapag bibili ka ng Beautederm, marami tayong mga bata na napag-aaral, kasi may foundation tayo, nagpapa-college tayo. Tapos pati employees namin mismo, yung mga anak nila ay may scholarships din,” lahad pa ni Ms. Rhea.

About Nonie Nicasio

Check Also

SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang …

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

Krystall B1B6 Krystall Herbal Oil

Pasma ng mananahi nilutas ng KRYSTALL Herbal Oil at ng Krystall Vitamins B1 B6

Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po si Annie Mateo, 46 years old, ng …

Sarah Geronimo

Sarah G. Kapamilya pa rin, balik-ASAP sa Hulyo

MA at PAni Rommel Placente SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa …

Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na …