Thursday , June 4 2026
Michael V Bubble Gang

Michael V sa Bubble Gang — Dapat nag-e-evolve ang comedy show 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NGAYONG gabi, Biyernes, isasalang ang bagong dagdag na members ng longest running gag show ng GMA na Bubble Gang at bagong segments nito.

Naniniwala kasi ang creative director ng gag show na si Michael V na dapat, nag-e-evolve ang comedy show lalo na ngayong marami na ang platforms at uso na ang social media.

Ang mga bagong mukhang mapapanood sa gag show ay ang Starstruck winner na sina Kim de Leon, Faith da Silva,  dancer-vlogger na si Dasuri Choi, at beteranang komedyana na si Tuesday Vargas.

Ang bagong segments naman ay ang Maritess United na all female segment led by Valeen MontenegroPatibongna makikilala ang bagong character ni Paolo Contis.

Siyempre, tuloy pa rin ang Bes Friends nina Sef Cadayon at Kokoy de Santos at Istambays.

Si Frasco Mortiz ang director ng Bubble Gang at kung lagi kayong nanoood tuwing Friday, kabisado ninyo kung sino ang nasibak sa dating cast, huh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …