Arthur Nery

Arthur Nery hinog na para sa isang major solo concert

I-FLEX
ni Jun Nardo

GUWAPING at malakas pala ang appeal ng Viva Records artist na si Arthur Nery. Sikat siya sa mga Gen Zs.

Aba, ang single ni Arthur na Pagsamo aymayroon nang 200 million streams sa Spotify, Apple Music, at You Tube, huh.

Ang latest single naman niyang  Isa Lang ay certified hit din at ito ang Pinoy pop song  sa local charts ng Spotify.

Kaya hinog na hinog na si Arthur sa kanyang unang major solo concert na Arthur sa July 2, 2022.

Kumuha agad ng tickets sa concert ni Arthur dahil nagkakaubusan na, huh. Call Viva (0917-182-5560) at Ticketnet – 02-8911-5555.