Tuesday , March 21 2023
Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN Entertainment series na 2 Good 2 Be True.  

Kumuha ng inspirasyon ng kanta hindi lang sa serye kundi pati na rin sa real-life love story ng mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi lang ito sa synopsis ng ‘2 Good To Be True’ nakabase but sa documentary ng KathNiel,” ani Moira sa naganap na 2 Good 2 Be True grand media conference na ipinarinig din niya ang kanta. “It was really made for KathNiel and ‘2 Good To Be True.’”  

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang nasa likod ng produksiyon ng bagong awitin sa ilalim ng Star Music

Inilalarawan ng Kumpas ang pinahahalagahang tao ng isang nagmamahal na itinuturing niyang kumpas o tagaligtas sa panahon ng bagyo at gabay tungo sa tamang daan.

Maririnig na ang kantang Kumpas ni Moira sa iba’t ibang digital streaming platforms.

About hataw tabloid

Check Also

Ashley Ortega Xian Lim

Ashley Ortega mainit na tinanggap ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales MASASAKSIHAN  na sa wakas ang paglabas ni Sparkle artist Ashley Ortega bilang si Ponggay sa first-ever …

Liza Soberano Ogie Diaz

Ogie kay Liza — wala akong matandaang kinontra kita

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog tungkol sa …

Alfred Vargas Nora Aunor Gina Alajar

Konsi Alfred nawala ang kaba sa pisil sa kamay ni Ate Guy 

I-FLEXni Jun Nardo NARAMDAMAN ni Konsehal Alfred Vargas ang pagiging humble ng isang Nora Aunor noong kunan nila ang …

Sofia Pablo

Sofia tanggap na ng netizens pagkakaroon ng ka-loveteam

I-FLEXni Jun Nardo ALAM ng Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na hindi forever ang kanilang loveteam. Pero …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Matinee idol naglaho na pag asang sumikat  

ni Ed de Leon KUNG saan-saan nakikita ang dating sikat na matinee idol, nanonood na lang siya …