Saturday , March 25 2023
KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, ang Flex na kauna-unahang cover boy ang aktor.

“Mas mature na KD na ang makikita niyo rito. Rati kasi ibini-build up ako as the ‘Boy Next Door’ o ung cute na teenager. Ngayon, ready na ako mag-level-up. Hindi naman ibig sabihin ay sasabak na ako sa mas mature na role pero for sure, mas marami pa akong bagong maipakikita sa viewers,” ani KD sa  isinagawan media conference ng  Flex

Ani KD, gusto niyang baguhin ang tingin o konsepto ng mga tao ukol sa mga lalaki. 

“Naalala ko noong bata ako, bawal umiyak ang mga lalaki. Itinuro sa amin na ang pag-iyak ay hindi nakaka-lalaki. Hindi namin pwede ipakita ‘yung nararamdaman namin. Dapat lagi kang maangas at ipakita mo na dominante ka. Para sa akin, hindi na dapat ganoon ang tingin ng tao ngayon.

Para sa akin, ang bagong bersyon ng lalaki ay ‘yung inayakap mo ‘yung sarili mo bilang isang lalaki. Kahit anong identity ka pa. Mapa-bakla, straight, feminine, o masculine. Pwede kang maging kahit anong gusto mo basta wala kang sinasaktang tao. Dapat yakapin at mahalin mo ang sarili mo kahit sino ka pa,” giit pa ng aktor.

Kasama ni KD sa Flex video magazine ang dating PBB housemates na sina Andrei King, Laziz Rustamov, at Aleck Iñigo, dating Bidaman contestant Wize Estabillo, at Star Magic artist Anthony Barion na maglalaban-laban sa Kumu, Facebook, at KTX sa loob ng dalawang linggo. Tanging ang apat na may pinakamaraming boto ang mag-a-advance sa huling linggo at may tsansang makuha ang sariling layout sa naturang digital video magazine. 

About hataw tabloid

Check Also

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

TV5 HD

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

MAS malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng mga Kapatid viewer ng kanilang mga …

Tito Sotto Alden Richards Maine Mendoza

Tito, Maine, Alden matitirang host ng EB, Direk Louie, talent manager pasok din

MA at PAni Rommel Placente PINAG-USAPAN sa online show namin na Marisol Academy Tsika Tonite, hosted …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Ashley Ortega Xian Lim

Ashley guwapong-guwapo kay Xian

RATED Rni Rommel Gonzales FIRST time magkapareha sa isang TV project, ang Hearts On Ice ng GMA, sina Ashley …