Tuesday , May 24 2022

Defensor inuuna ang taumbayan

A man of action at may malaking puso sa mga may sakit at nangangailangan. Ito raw si Anak Kalusugan Partylist Representative Mike Defensor kaya naman sinasabi ng mga taga-Quezon City na tamang-tama siya para maging future dad dala na rin ng sipag at tiyaga at pananalig sa Panginoon.

Matagal na sa politika si Defensor at sa tuwina, ang pagtulong ang inuuna niya. Nito ngang nakaraang administrasyon nag-concentrate siya sa health issues ng bansa at talagnag tumulong nitong pandemya.

Ayaw pala ng family niyang tumakbo siyang mayor ng Quezon City pero ang calling niya para makapagsilbi ay nangibabaw kaya ipinaliwanag niya sa kanyang pamilya kung bakit dapat bigyan nila ito ng isa pang pagkakataon para manilbihan.

“’Sabi niya-tayo ba nakakakain nang tatlong beses isang araw?’ Sabi ko, ‘yes.’ ‘Tayo ba may bubong na natitirhan?’ Sabi ko, ‘yes.’ ‘Tayo ba ay may sapat na ipon para mamuhay ng komportable?’ Sabi ko, ‘yes.’ Well, sabi pa niya, ‘hindi lang tayo ang may karapatan for a good life kundi pati na ang mga kababayan natin. We have to do something para ma-address ang kahirapan, pabahay, medisina at kung ano-ano pang kailangan lalo na sa Quezon City na sumasakop sa atin.’

“We realized that he is right-kaya pumayag kami ng mga anak namin na tumakbo siya as mayor ng Quezon City. The most that we could do is support him 101%. In fact, these past few months ay halos ‘di na kami nagkikita dahil whole time ay nasa labas siya campaigning-uuwi siya late na at maaga pa lang ay aalis na. Ginagawa nga lang niyang tulugan ang bahay namin..ha ha ha, but we fully understand why. Mas una sa kanya ang taumbayan-probably because alam naman niyang we’re okay and we’re safe kaya ganoon,” kuwento sa amin ng kanyang butihing maybahay na si Julie Defensor.

Ang maganda kay Defensor, napakalinaw ng kanyang mga adhikain. Gusto niyang umunlad ang natutulog na Quezon City at umangat ang buhay ng mga residente nito.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …

5 law violators silat sa Bulacan police

ISA-ISANG pinagdadakip ang limang katao na pawang gumawa ng mga paglabag sa batas sa inilatag …

TAUHAN NG 2 MAYOR BETS SA NUEVA ECIJA DINISARMAHAN (Gapangan sa kampanya nauwi sa barilan)

INARESTO at dinisarmahan ng mga awtoridad ang mga supporters ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng General …

liquor ban

5 TOMADOR SWAK SA SELDA SA PASIG (Sa unang araw ng liquor ban)

NAGHIMAS ng rehas ang limang indibidwal sa lungsod ng Pasig na nahuling sumuway sa unang …

PAMANGKIN NG MAYOR TINODAS NG BALA (Sa Zamboanga del Norte)

PATAY ang pamangkin na babae ng alkalde ng bayan ng Sirawai, sa lalawigan ng Zamboanga …