Thursday , May 26 2022
Marian Rivera Lovely Abella

Lovely pinatunayang ‘di maldita kundi matulungin si Marian

MA at PA
ni Rommel Placente

SINASABI ng iba na maldita si Marian Rivera. Pero sa mga taong natulungan ng aktres, ay hindi siya isang maldita, kundi isang taong may mabuting puso at matulungin.

Isa ang comedienne na si Lovely Abella ang nagpapatunay sa pagiging matulungin ng misis ni Dingdong Dantes.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lovely ang larawan nila ni Marian na magkasama, kalakip ang kuwento ng pagtulong sa kanya nito.

Katatapos lang kasi ng guesting niya sa bagong sitcom ng mag-asawa kaya naman naisipan na niyang ikuwento ang pagtulong ng Kapuso star sa kanya, five years ago kahit ayaw itong ipasabi ng aktres.

Katatapos lang ng guesting ko sa bagong sitcom ni ate Yan (Marian) at kuya Dong (Dingdong) ang ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa’ kaya gusto ko lang i-share sa inyo ang KWENTONG TOTOO!” umpisa ni Lovely.

Aniya pa, noong mga panahong iyon ay hindi pa sila close ni Marian pero nang nalaman nito na nasa kritikal na lagay ang kanyang ina ay agad siya nitong tinulungan.

“‘Di ko malilimutan ang napakagandang puso ng taong ito, hindi kami kumakain ng sabay, ‘di kami nagkakausap ng matagal. Pero noong panahon na nag-50/50 ang mamang ko, siya ang kauna-unahang nagbigay ng tulong sakin. Pinaabot niya ang cheque at sabi sana gumaling ang Mama.Unexpected na galing sa kanya ang napakalaking halaga na yun,” pagpapatuloy ni Lovely.

Ayon pa kay Lovely, hindi lang maganda si Marian kundi  maganda rin ang kalooban at tinatanaw niya bilang utang na loob ang ginawang pagtulong sa kanya.

Lagi ko sinasabi ‘pag ako yumaman ‘di ko kakalimutan ang mga taong tumulong sakin financially at emotionally. Di man materyal ang naisukli ko ate @marianrivera pero lagi kang kasama sa dasal ko at ang buong pamilya mo. At isa na rito ang bagong show mo. Muli salamat ng marami, Mahal kita ate!” 

Hindi lang si Lovely, maging ang komedyanteng si Boobay ay tinulungan ni Marian noong ma-stroke ito ilang taon na ang bakararaan. Hanga kami sa ‘yo Marian.

About Rommel Placente

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …