Thursday , May 26 2022
Marco Gallo Andrew Muhlach Rhen Escaño Ryza Cenon Marco Gumabao Yam Laranas

Direk Yam tagumpay sa pananakot

TAGUMPAY ang Viva Films sa pananakot sa pamamagitan ng kanilang commercial release ng pelikulang idinirehe ni Yam Laranas, ang Rooftop na pinagbibidahan nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Andrew Muhlach, Marco Gallo, Epy Quizon, at Allan Paule.

Simula pa lang ng pelikula ay agad nang nagpakaba ang mga eksena, lalo na nang may aksidenteng nangyari nang magkayayaang mag-inuman ang grupo ng mga estudyanteng nagpa-iwan sa eskuwelahang pinamumunuan ng mga pari.

Walang kaalam-alam ang mga pari na may ilang estudyante ang nagpa-iwan para makapag-inuman sa rooptop na ipinagbabawal puntahan sa mga estudyante.

Effective si Direk Yam sa pananakot na talagang habang nanonood ka ay kakabahan ka at mag-iisip sa kung ano ang susunod na mangyayari.

Muling pinatunayan ni Direk Yam na wala pa rin siyang kupas pagdating sa paggawa ng mga horror at suspense movies na talaga namang aabangan sa kung ano ang magiging ending.

Samantala, inamin ni Ryza na may takot siyang napi-feel sa pagpapalabas ng comeback movie niya sa mga sinehan, “We feel the pressure. Alam naman natin na lahat ng tao takot lumabas especially sa sinehan kasi kulob siya. Kinakabahan ako.”

At si Ella sinabi namang, “Iba pa rin ‘yung nakasanayan nilang nakahilata lang sa kama nila at manonood lang sila sa Vivamax.

Iba pa rin ang experience na makakagala, kasama mo ang tropa para manood. Horror pa. Kapag nasa cinema ka, mas nakatatakot ang horror film. Mas feel mo kasi surround pa ang sound.

Nakakakaba at nakaka-excite at the same time. Sana masuportahan ng lahat.”

Palabas na ang Rooftop sa mga SM Cinemas nationwide kay kung gusto n’yong makapanood ng magandang horror movie ito ang tamang-tamang panoorin. Iba pa ring makapanood ng suspense-horror sa mga sinehan.

Ang Rooftop ay bahagi ng Asian Horror Festival 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …