Friday , May 27 2022
Sarah Geronimo Anne Curtis Viva

Anne at Sarah raratsa sa paggawa ng pelikula;
Vivamax 3-M na ang subscribers

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INISA-ISA ni Vince del Rosario, president and  COO ng Viva Films sa bonggang launching nila ng Summer to the Max angmga bagong pelikula na mapapanood sa Vivamax. Ang launching ay dinaluhan ng mga artistang bibida sa kanilang upcoming projects this year. 

Una nang ibinalita ang magiging entry nila sa Metro Manila Film Festival 2022 na pagbibidahan ni Vice Gandagayundin ang comeback movie ng mga reyna ng Viva na sina Anne Curtis at Sarah Geronimo.

Ibinalita rin ni Vincent na kahit may pandemya, mabilis na nag-number one ang Vivamax bilang nangungunang Filipino streaming platform sa bansa. Katunayan mayroon na itong 3 million subscribers.

Si Anne, hinihintay lang ‘yung script. In essence, okay naman siya. Gusto lang niya mabasa ang script so that can happen in the next quarter, in the next few months.

“Si Sarah, nag-line up sina Val (del Rosario) ng mga ipi-pitch na concept sa kanya. Medyo mas mahirap lang kasi very selective si Sarah sa gusto niya.

“Mayroon siyang concept na gusto. Kailangan lang i-fine tune para pumasok sa gusto niya. Basically, ang gusto niya, gumawa ng musical movie so we have to find the right theme.

“Si Vice naman, inaayos na. Nag-uusap na sila ni Boss Vic for her next project. Hopefully for the festival and there after, for the platform,” anang Viva executive.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …