Saturday , May 21 2022
Jodi StaMaria Chel Diokno

‘Doc Jill’ Jodi Sta. Maria inendoso si ‘Tay’ Chel Diokno para senador

NAGPAHAYAG ng suporta si Jodi Sta. Maria sa kandidatura ni human rights lawyer Chel Diokno bilang senador.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Jodi ang kanyang larawan habang gamit ang “CHELFan” at hawak ang flyer ni Atty. Chel.

Sinamahan niya ito ng caption na, “Hello Tay @cheldiokno! Isa po ako sa mga Chel-dren niyo” at hashtag na #21cheldioknosasenado, na tumutukoy sa numero ni Diokno sa balota.

Sa hiwalay na Instagram story, nag-post si Jodi ng larawan ng “CHELFan” at flyer kasama ang caption na “Sasamahan tayong maging liyamado ang mga dehado #21cheldioknosasenado.”

Sa kanyang parte, sumagot si Atty. Chel ng, “Thanks for the support, Jodi! Malaki ang maitutulong nito sa hangarin nating magkaroon ng gobyernong tapat, at mapaabot sa bawat Pilipino ang access sa libreng serbisyong legal!”

Idinagdag pa niya, “PS. Nagkakagulo mga CHELdren, ang sabi papunta na talaga tayo sa exciting part! Sama ako dyan ha!”

Tinutukoy ng human rights lawyer ang sikat na linya ni Jodi na, “Papunta na nga tayo sa exciting part!” mula sa teleserye na The Broken Marriage Vow na ginagampanan niya ang papel ni Doc Jill.

Sa grand rally na ginanap sa Pasay, Inendoso rin ni John Arcilla ang kandidatura ni Atty. Chel.

Ibinahagi ni Atty. Chel ang larawan sa kanyang Facebook page at sinamahan ito ng caption na, “maraming salamat sa ating nag-iisang Heneral Luna, @johnarcilla , sa suporta at tiwala sa gobyernong tapat at makatarungan. Your speech last night was so moving. Maraming maraming salamat sa pagtindig!”

Maliban kina Jodi at John, inendoso rin si Atty. Chel ni Nadine Lustre, gayundin nina Edu Manzano at Pepe Herrera, at singer-composer Johnoy Dayao.

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Atty. Chel ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang inilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Nais din niyang magtatag ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga pang-aabuso na ginawa ng mga awtoridad, para maiwasan ang cover-ups at matiyak na maparurusahan ang mga alagad ng batas kapag lumabag sila sa batas.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

Kris Aquino

Kris sinupalpal mga nagpapakalat na agaw buhay na siya

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris …

Ejay Falcon Rhea Tan Beautederm Jana Roxas

Pagkapanalo ni Ejay ikina-proud ni Beautederm CEO Rhea Tan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PROUD ate si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa itinuturing niyang …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …

Heart Evangelista

Heart nagpakatotoo inaming nakipag-one night stand

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman si Heart Evangelista.  Game na game kasi siya na …