Kim Chiu Thailand

Kim nagsabog ng kaseksihan sa Thailand

MATABIL
ni John Fontanilla

AFTER two years, muling nakalabas ng bansa si Kim Chiu at nagliwaliw sa Bangkok at Phuket.

Pinusuan ng netizens ang mga picture ni Kim sa kanyang Instagram na may mga caption na. “Reset. Recharge. Reflect.” at “Smell the sea, and feel the sky, let your soul and spirit fly.”

Mabentang-mabenta nga sa mga  netizen ang mga litrato ni Kim na kuha sa beach ng Phuket na suot nito ang white two piece na  kitang-kita ang kaseksihan ng aktres.

Kasamang nagbakasyon ni Kim sa  Thailand ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na  siyang kumukuha ng magagandang larawan niya sa kung saan man sila magpunta.