Thursday , May 26 2022
Manny Pinol

Lacson senatorial bet
‘WAG PASILAW SA ENTERTAINMENT POLITICS — PIÑOL

HUWAG mabulag sa kung ano-anong pakulo ng ibang kandidato.

Ito ang panawagan ng senatorial bet ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na si dating Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa mga Filipino na bobotong muli ng mga bagong opisyal ng gobyerno ngayong halalan sa Mayo 2022.

Inihayag ito ni Piñol sa harap ng libo-libong tagasuporta ni Lacson at kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagsama-sama nitong Sabado, 9 Abril, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Tinutukoy ni Piñol ang ‘entertainment politics’ bilang estilo ng pangangampanya ng ibang kandidato imbes ibigay ang kanilang mga plataporma ay kinukuha ang atensiyon ng publiko sa pamamagitan ng pagsayaw o pagkanta na aniya’y hindi naman solusyon sa pang-araw-araw na problema.

“Kalimutan muna natin ‘yung mga sayawan, kalimutan muna natin ‘yung mga kantahan, kalimutan muna natin ‘yung mga nakasisilaw na ilaw at liwanagin natin ang ating isipan: sino ang dapat mamuno sa ating bansa sa puntong ito na pinaka-critical sa kasaysayan ng ating bansa?” apela ni Piñol.

Ipinakilala rin ng dating gobernador ng Cotabato sa harap ng mga dumalong tagasuporta, ang miyembro ng Team Lacson-Sotto, bilang bagong hanay ng mga lingkod-bayan na nangangampanya tangan ang mga solusyon sa mga isyu ng bansa, simula ng unang araw ng panahon ng kampanya para sa Halalan 2022.

“Tonight, my dear friends, these people in front of you offer very clear directions in governance that could lead our country from this most difficult time in the history of our nation to a period of prosperity, progress, peace and a governance free of corruption,” pahayag ni Piñol.

“Mga kaibigan, marami kayong narinig sa kabilang partido, pero hindi kami nakisawsaw. Hindi po kami sumama roon sa hiyawan, sigawan, murahan… Sapagkat ang gusto naming maintindihan ninyo (ay) ang totoong problema ng ating bayan at ang mga taong magbibigay-solusyon sa mga problemang ito,” dagdag niya.

Naging tatak na sa kampanya ng Lacson-Sotto na dinadalohan ni Piñol, ang pagsasagawa ng mga town hall meeting kasama ng iba’t ibang organisasyon. Dito malayang naihahayag ng mga kinatawan ng bawat grupo ang mga problema na kanilang kinakaharap at nagbibigay sila ng ilang posibleng solusyon.

Ang pagtitipon sa Quezon City kasabay ng pagdiriwang ng ‘Araw ng Kagitingan’ ay pansamantalang itinigil ang malalimang diskusyon sa pagtalakay sa mga problema ng lipunan para ipagdiwang ang “Pure Love” rally handog ng mga tapat na tagapagtaguyod ng Lacson-Sotto Support Group para sa kampanya ng tambalang Lacson-Sotto.

Sa Pandesal Forum na ginanap sa Kamuning, Quezon City nitong Sabado, sinabi nina Lacson at Sotto, hindi mawawala sa plano nila ang pagsasagawa ng town hall meetings hanggang sa huling panahon ng kampanya dahil naniniwala sila na mas magkakaroon sila ng koneksiyon sa publiko sa pamamagitan ng pakikipag-dialogo.

“Kami laging dialogue e. Pero, in the course of our open dialogue, ‘yung open forum, lumalakas, tumatapang ang loob kasi nga nakikita nila na nakikinig kami and pinapakinggan namin ‘yung kanilang sinasabi at may offer kaming solusyon kaagad,” sabi ni Lacson.

Binanggit ni Lacson ang mga pagkakataon sa kanilang mga public forum na naaksiyonan niya agad ang suliranin ng ilang indibidwal, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan para maresolba ang kanilang problema.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …