Monday , May 16 2022
Kyrie Irving Brokklyn Nets Barclays Center

Kyrie Irving nagpapasalamat at nakalaro na siya sa Net’s home game

SA kauna-unahang pagkakataon ngayong season, nakalaro na si Nets star player Kyrie Irving sa court ng Barclays Center sa Brooklyn,  kahit pa nga natalo sila sa Charlotte Hornets,  at sinabi niya sa mga reporters na nagpapasalamat siya at sa wakas ay pinayagan na siyang makalarong muli  sa court ng New York City.

“I don’t take it for granted. What happened tonight, it was historic,” sabi ni Irving. “I’m grateful that I got a chance to be out there with my brothers and just leave it all out there.”

Nasorpresa pa si Irving nang bigyan siya ng standing ovation ng mga manonood nang ianunsiyo ang pangalan niya na maglalaro sa Barclays Center.

Matatandaan na hindi nakalalaro si Irving sa kanilang teritoryo dahil sa nananatili siyang ‘unvacccinated’ laban sa Covid-19.    Pero sa kasalukuyan ay unti-unti nang niluluwagan ng New York ang vaccine requirements.

Bagama’t hindi binabago ni Mayor Eric Adams ang city’s private sector vaccine mandate,  nag-isyu siya ng Emergency Executive Order 62 na tanging ang mga New York athletes   lang na hindi nababakunahan ang exempted.

Ang 30-year-old na manlalaro ay may average na 27.7 puntos, 4.5 rebounds, at 5.5 assists sa laro.

At sa kanyang home debut ay kumana siya ng 16 puntos, 2 rebounds at 11 assists sa 41 minutes na paglalaro.

Dahil sa puwede nang maglaro ni Irivng sa home games, isang malaking tsansa iyon para mag-imprub ang kanilang win-loss card.  Sa kasalukuyan ay nasa pang-9th sila sa Eastern Conference na may kartang 39-36  at ang nalalabing pitong laro ng Nets ay lalarga sa kanilang teritoryo.

About hataw tabloid

Check Also

Kickboxing Francis Tolentino

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago …

Hanoi SEA Games Philippines Gold

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole …

Carlo Biado Hanoi SEA Games

31st SEA Games
BIADO UMABANTE SA QUARTERFINALS

HANOI — Hindi natinag ang kasalukuyang US Open champion Carlo Biado  sa mahirap na laban …

Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo babawian si Bivol sa kanilang rematch

NAGBIGAY na paniniguro si Canelo Alvarez  sa kanyang promoter na si Eddie Hearn na hindi …

31st SEA Games Hanoi Vietnam

POC, PSC  nagbigay ng inspirasyon sa mga atleta sa Hanoi

HANOI — Nagbigay ng pampasiglang salita ang mga sports leaders ng bansa sa miyembro ng …