Friday , May 27 2022
Arjo Atayde Ynez Veneracion

Ynez Veneracion, proud supporter ni Arjo Atayde

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Ynez Veneracion na buong-buo ang suporta niya sa award-winning actor na si Arjo Atayde na kandidatong congressman para sa 1st district ng Quezon City.

Ayon sa aktres na present sa sortie ni Arjo, proud siyang suportahan si Arjo dahil sa maraming katangian ng actor na makakatulong sa kanyang constituents sa District 1 ng QC,

Aniya, “Proud akong suportahan ang kandidatura ni Arjo, kasi alam na alam ko yung capacity na magagawa niya bilang kongresista ng Quezon City.”

Wika pa ni Ynez nang usisain namin kung ano ang pagkakakilala niya kay Arjo, “Mabait, matalino, magalang, mapagmahal na anak at higit sa lahat, matulungin sa kapwa. Isa pa pala, sobrang yaman, hahaha! Mayaman ang pamilya dahil na rin sa sipag at tiyaga.

“Si kuya Art (Atayde) ang galing sa negosyo, kaya naging successful! Si ate Sylvia (Sanchez) naman, sobrang daming projects noon, hanggang ngayon. Ang galing pang humawak ng pera talaga.

“Si Arjo naman, ang dami na rin naipon sa pag-aartista at hindi siya bulagsak sa pera. Kaya walang-wala sa bokabularyo ni Arjo ang mangurakot! At tanging hangad na lang niyan ay i-share ang blessings na natatanggap nila sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.”

Pahabol pa ni Ynez, “Ang laki ng puso ng pamilya Atayde sa mga mahihirap. Alam na alam ko iyan, kasi kami nga ay natutulungan nila, kaya lalo na ang mga mas nangangailangan talaga ng tulong nila.”

Sina Ynez at Arjo ay kapwa bahagi rin ng Beautederm family ni Ms. Rhea Tan.

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …