Friday , May 27 2022
Ariel Rivera

Ariel naawa sa produ ng LOL

MA at PA
ni Rommel Placente

SA  panayam ni Cristy Fermin kay Ariel Rivera sa radio show niyang Cristy Fer Minute, ipinaliwanag ng huli sa una ang dahilan kung bakit iniwan niya ang noontime show nilang Lunch Out Loud (LOL) na napapanood sa TV5.

Ayon sa singer-actor,  ang  kakulangan sa budget ang rason.

Ayaw na raw niyang makitang nahihirapan ang producer ng show dahil nalulugi na umano ito.

Sabi ni Ariel, “Unang-una ho, kasi may problema sa budget. May problema sa budget. Tapos ang producer namin, eh, mabait,  mabait ‘yung producer namin, sobrang bait.

“In fact, nalulugi na po siya, e, ayoko naman siya bumigat pa yung problema niya.

“So, imbes na mahirapan pa siya, babawasan ko na lang ‘yung gastos, umalis na lang ako.

“Kaya umalis ako roon hindi masama ang loob ko, kundi masakit ang puso ko, kasi mahal na mahal ko ‘yung mga tao roon.”

Ang LOL ay ipinroprodyus ng Brighlights Productions, na pag-aari ni former Congressman Albee Benitez.

Puring-puri ni Ariel si Benitez dahil ibinigay nito lahat ng mga kailangan ng hosts at ng show.

“‘Yung producer namin wala ho siyang ginawa kundi ibigay ang kailangan ng show, kung ano ang kailangan namin ibinibigay niya po lahat.

“Kaya ayokong pahirapan siya, ang laki ng tulong niya sa show, nagpapasalamat ako.

“Hindi ko na siya napasalamatan, ngayon pa lang ako… kung nakikinig si Albee, Congressman Albee, gusto kong magpasalamat sa inyo pero ayaw ko ng maging pabigat sa production.

“And alam ko naman ang huhusay ng mga host doon, mabubuhay ‘yung show kahit wala ako. ‘Yun ang totoong dahilan lang po niyon,” aniya pa.

Noong November 21, matapos magdiwang ang LOL ng kanilang unang anibersaryo, umalis na si Ariel.

About Rommel Placente

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …