Wednesday , May 25 2022
Carla Abellana Ogie Diaz

Ogie humingi ng dispensa kay Carla

MA at PA
ni Rommel Placente

HUMINGI ng dispensa si Ogie Diaz kay Carla Abellana. Ito ay matapos na ibalita niya sa kanilang Showbiz Update vlog ni Mama Loi na ibinebenta ni Carla sa halagang P2-M ang kanyang condo unit sa The Grove.

Na ayon sa aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ay mali ang pahayag nina Ogie at nilinaw na ang P2-M na halaga na sinasabi ay ang kabuuang bawas o “slashed” amount mula sa orihinal nitong presyo.

“Bina-bash tayo ngayon dahil mali raw… Pina-fact check tayo roon sa condo ni Carla Abellana. Mali raw ‘yung ating impormasyon na P2 million niya lang ibinebenta,” sabi ni Ogie sa vlog din nila ni Mama Loi.

“Pasensya na, nagkamali lang kami. Alam naman namin ng ‘slashed’… Pasensya na, tao lang,” dagdag pa ni Ogie.

At least, si Ogie marunong tumanggap ng pagkakamali ‘di ba?

About Rommel Placente

Check Also

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …

Susan Roces

Susan Roces bahagi ng showbiz era na sa kanila lang

HATAWANni Ed de Leon BATA pa lamang ang yumaong movie queen na si Susan Roces ay talagang …

Binondo Intramuros bridge

Binondo-Intramuros bridge panalo sa ganda

I-FLEXni Jun Nardo WINNER ng bagong Binondo-Intramuros bridge na nagkaroon ng inagurasyon nitong nakaraang araw. …

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …