Joel Cruz

Joel Cruz may pa-negosyo sa mga Pinoy  

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY magandang handog si Joel Cruz para sa mga gustong magnegosyo pero limitado  ang kapital, ito ang Takoyatea by Joel Cruz dealership.

Sa halagang P5,888, isa ka nang dealer ng Takoyatea by Joel Cruz kasama ang onitial Takoyaki and Milk Tea Inventory, Product and Operations Training at Marketing Collaterals.

Ito ang paraan ng Lord of Scents para makatulong at makapagbigay-negosyo sa mga mga Filipino.

Available din ang Takoyatea By Joel Cruz sa Silver (P10,888 ), Gold (P20,888), at Platinum (P40, 888) packages. Sa mga interesadong  magnegosyo tawagan lang ang mga numerong 0949–992-9475, 0949-889-4268,0949-992-9471,0949-889-4264 at 0998-848-4703.