Friday , May 27 2022
PAPITIK ni Sab Bai Hugs

Sino nga ba talaga si Rose Nono Lin?

‘PAPITIK’
ni Sab Bai Hugs

MATUTURING na isang malaking anomalya etong si Rose Nono Lin na sangkot sa multi-billion Pharmally scam at inimbestigahan ng Senado.

Kapag sinuring mabuti, walang nakaraang mailahad. Puro kuwento lang ang pumapaligid sa kanyang pagkatao.

Si Rose Lin ay tumatakbo para maging kongresista sa Novaliches area District 5 ng Quezon City. Bigla na lang etong naglabas ng mga poster na nagpapakilalang “Ate Rose.”

Nag-ikot at nagpapakilala sa mga residenteng nagtataka… parang putok sa buho na biglang lumitaw o parang kabute na biglang tumubo sa mapanghi.

Kamukat-mukat ng mga taga-QC nangangampanya na, sabay pamudmod ng pera matapos mag-file ng certificate of candidacy (COC).

Nang inumpisahan ng Senado ang imbestigasyon sa Pharmally, naimbitahan eto, dahil mataas na opisyal siya sa halos lahat ng kompanya ni Michael Yang.

Naging mailap at tila napilitang ‘lumutang’ nang ipaaaresto na. Iiwas ka ba kung wala kang kasalanan? Sa Senado natalupan ang tunay niyang pagkatao!

Unang-una, asawa siya ni Lin Weixiong, isang Tsino na ayon sa intel report ni Acierto ay isang drug lord at miyembro ng sindikato. Pangalawa, palipat-lipat eto ng bahay na matatagpuan sa Makati.

Ayon sa LRA, 37 ang properties na nakapangalan kay Rose Lin at kasalukuyang sa Forbes Park nakatira. Pangatlo, meron siyang ‘magic garahe’ kung saan mga mamahaling kotse ang lumilitaw at bigla niyang nakikita ‘pag gising niya sa umaga. Ang excuse, nabili bago magpandemya, pero bago at 2020 ang modelo!  Pang-apat, hindi raw magkaugnay ang Pharmally Biological at Pharmally Pharmaceuticals.

Pero sa rehistro sa SEC, and dalawang kompanya ay konektado pareho kay Huang Tzu Yen – ang may-ari ng Pharmally International na wanted sa Taiwan.

Lahat ito, mariin niyang pinapabulaanan at nagmistulang showbiz na ‘denial queen.’ Pero nang matunugan ni Rose Lin na ilalabas na ng Senado ang malinaw na koneksiyon niya sa Pharmally Pharmaceuticals galing sa imbestigasyon ng BIR, mistula etong umiwas sa hearings.

Bakit?

Ang asawa niya pala na si Lin Weixiong ang ‘financial manager’ ng Pharmally Pharmaceutical mismo! Tagahawak ng pera ng kompanya ayon kay Dargani at Huang na nagkompirma nito! Ayon, kaya nawalang parang bula!

Hindi naman puwedeng hindi alam ni Rose Lin ang mga ginagawa ng asawa niya. Tandaan sa ating batas conjugal lahat ng pag-aari ng mag-asawa.

Ngayon bago pa man mag-umpisa ang eleksiyon sa local level, mistulang vote buying na ang ginagawa. Halimbawa, P1,000 kada tao para mag-attend ng assembly niya. P500 weekly gas allowance sa tricycle drivers at P3,000 para sa scholarship na ipinapangako niya!

Sumabit pa eto kay BBM at kay Sara na siya ang kandidato nila. Natanggal sa Partidong Lakas dahil kay Esplana. ‘Yun pala, iba ang pato ng UniTeam sa lugar. Eto ang  mga tahasang gimik bago pa ang opisyal na kampanya.

Patong-patong na reklamo ang hinaharap ni Rose Nono Lin sa COMELEC, BIR, AMLC at kamakailan lang sa Ombudsman para sa Plunder o malawakang pandarambong. Natalo pa si Napoles! At malamang magiging best friends niya sa kulungan kung ibabase sa mga pahayag ng presidentiables at ni Pangulong Duterte patungkol sa Pharmally.

Maging mapanuri sa pipiliing kandidto. ‘Ika nga ng isang manunulat, kaduda-duda ang pagkatao ni Rose Lin at mistulang papet lang ng dayuhan. Binansagan pa ng isang senator si Rose Nono Lin na isang sinungaling.

So, ano ang punto rito? Dapat suriin mabuti ang kandidato. Ano ang nakaraan niya. Sino ang mga kasama. Saan galing ang perang ipinamumudmod at tahasang ipinambibili ng boto? At ano ang pakay niya na maghangad ng posisyon?

Sa kaso nitong si Rose Nono Lin, malinaw pa sa araw ang warning: VOTERS BEWARE.

About Sab Bai Hugs

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Murang kuryente, langis possible kahit hindi ibasura tax measures

PROMDIni Fernan Angeles KUNG gusto may paraan. Ito ang diin ni Energy Undersecretary Benito Ranque …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Stiff neck tanggal agad sa machine therapy at Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang araw po sa inyo Sis Soly Guy Lee at Sis Fely …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Leadership ni QC Jail Warden Supt. Bonto, sinasabotahe

AKSYON AGADni Almar Danguilan Malalamang na desperado-desperado ngayon ang “mastermind” sa layuning mapalitan si Quezon …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Ambisyong maging DOE Secretary ni Devanadera, napurnada pa yata

PROMDIni Fernan Angeles SA GITNA NG KRISIS sa enerhiya, higit na angkop para sa Department …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay …