Wednesday , May 25 2022
Arrest Posas Handcuff

Kabarangay pinaslang driver arestado, kasabwat nakatakas

NADAKIP ang isang lalaki matapos akusahan ng pagpatay sa isa niyang kabaranggay sa bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, habang nakatakas ang kaniyang kasabwat nitong Martes, 8 Marso.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, inaresto sa follow-up operation na ikinasa ng mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang suspek na kinilalang si Alfie Bantog, 34 anyos, isang driver, at residente sa Brgy. Banaban 1st, sa nabanggit na bayan, habang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na kasabwat.

Lumilitaw sa imbestigasyon, bago ang insidente, ayon salaysay ng anak ng biktima, umalis ng bahay ang kanyang ama upang mag-ani ng talong sa kanilang tumana.

Ilang minuto pa lamang ang nakararaan ay nakarinig na siya ng maraming putok ng baril sa lugar ng kanyang ama sa plantasyon ng talong.

Dito niya nakita ang ama na susuray-suray na umuwi ng bahay at tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad isinugod ang biktima sa Norzagaray Municipal Hospital ngunit idineklarang patay na nang idatong sa ospital.

Itinuro ng ilang saksi ang suspek na siyang sangkot sa naganap na krimen kaya mabilis na naaresto ng mga tauhan ng Angat MPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …