Thursday , June 4 2026
Kadenang Ginto A Love to Last

Kadenang Ginto at A Love To Last umaarangkada sa Latin America 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DALAWANG teleserye ng ABS-CBN ang umaarangkada sa iba’t ibang bahagi ng Latin America, ang Kadenang Ginto at A Love to Last  na naka-dubbed sa Spanish.

Palabas na ngayon sa Ecuador ang hit afternoon serye na Kadenang Ginto o La Heredera nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Albert Martinez, Adrian Alandy, Kyle Echarri, at Seth Fedelin na mapapanood sa free-TV network nitong Ecuavisa simula pa noong Disyembre.

Namamayagpag din ang A Love To Last o kilala bilang Un Amor Duradero na ipinalalabas sa Panamericana TVpati sa pay-TV 24/7 telenovela channel na Pasiones TV noong isang taon. 

Bida rito sina Ian Veneracion, Bea Alonzo, Iza Calzado, Julia Barretto, JK Labajo, Enchong Dee, Hannah Lopez, at Ronnie Alonte.

Maliban sa mga programang ito, una na ring namayagpag sa Latin America ang 2015 remake ng Pangako Sa’Yo,nina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla), sa mga bansang Peru, Colombia, Ecuador, at Dominican Republic. Nakatanggap din ng nominasyon si Jodi Sta. Maria sa 2016 International Emmy Awards para sa pagganap niya rito.

Simula noong mag-distribute ang ABS-CBN ng mga programa nito sa Latin America, mahigit 2,000 hours ng content nito ang naibenta sa rehiyon. Maliban pa rito, may scripted format deal din ang ABS-CBN sa Mexico para sa teleserye nitong Pangako Sa ‘Yo. 

Patuloy din ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga programa nito sa iba pang bahagi ng mundo, tulad ng pagpapalabas ng Bagong Umaga sa 41 na bansa sa Africa at ang pag-ere ng La Vida Lena at Huwag Kang Mangamba sa Myanmar. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …