Saturday , May 28 2022
Sanya Lopez Alice Dixson

Alice gustong makilalang mabuti si Sanya

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG beses makakatrabaho ng batikang aktres na si Alice Dixson ang isa sa mga pinaka-maningning na bituin ng GMA na si Sanya Lopez sa top-rating primetime series naFirst Lady.

Kahit na ilang buwan pa lang silang magkasama sa show ay puring-puri na agad ni Alice si Sanya.

Si Gabby [Concepcion] nga, nakasama ko sa maraming pelikula na, and it’s always a pleasure to be working with Gabby,” pag-amin ni Alice sa virtual media conference ng First Lady.

And Sanya, it’s my first time to work with her, and she is just really delight, she is very lovely person on the set. I hope to get to know her more through the show.

“Magaan, sobrang gaan dito sa set. Masayang-masaya po ako na napasama ako rito sa ‘First Lady.'”

Gagampanan ni Alice ang karakter ni Ingrid Domingo, ang ex-girlfriend ni President Glenn Acosta. Magiging kontrabida kaya siya sa buhay nina President Glenn at First Lady Melody?

Sagot ni Alice, “I don’t want to give away what we don’t want to give away. Ang masasabi ko lang, I think, for every role that I play, we always try to give it a different twist.

“And I’m very thankful for our writers to be able to give Ingrid something different kasi I just came from another show, and although medyo may pagkakontrabida siya roon, in the end, there was some realism in her character.”


Bago ang First Lady, huling napanood si Alice sa groundbreaking cultural series ng GMA na  Legal Wives.

Pagpapatuloy ni Alice, “I think that’s what’s really important in all of our characters, I find na talagang there’s realism in all of our characters, not just in mine.

“Pero ano ‘yung depth, malalim po. Panoorin n’yo na lang para malaman n’yo kung gaano kalalim.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …