Friday , May 27 2022
Alfred Montero Ahron Villena

Alfred Montero, bibida sa pelikulang Bakas ni Yamashita

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng newbie actor na si Alfred Montero.

Ang kanyang fifth project ay pinamagatang Bakas ng Yamashita na hatid ng White Eagle Films Productons. Ito ay isinulat ni Bill Velasco at pamamahalaan ni Direk Dani Ugali.

Sina Alfred at Ahron Villena ang tampok sa pelikulang ito.

Sa ginanap na story conference nito, nabanggit sa amin ni Alfred ang mga nauna niyang proyekto.

Saad niya, “Pang-lima ko na po itong movie. Iyong una ko po ay lead role ako, iyong Nagalit ang Patay sa Tagal ng Lamay, The Resbak, directed by Zaldy Munda. Iyong pangalawa ay isang short film, action movie siya, titled Takas ni Direk Kaka Balagtas.

“Tapos iyong pangatlo, Security Academy na mula kay Direk Zaldy Munda rin. Then yung sa Viva po, kay Direk Daniel Palacio, iyong Kaliwaan. Tapos eto na pong Bakas ni Yamashita ang pang-lima.”

Masasabi ba niyang ito ang kanyang biggest break so far?

Tugon ni Alfred, “Masasabi ko pong parang eto pong movie iyon, pati sa takbo ng kuwento, maganda po siya at mas in siya sa masa.”

Ano ang role niya sa pelikulang ito?

“Ang role ko po sa movie, ako si Tom Vince Cruz, pinsan ni Sir Ahron Villena. Isa po akong professor ng history at ako po iyong may mga ebidensiya at impormasyon patungkol kung saaan dumaan yung mga treasure ni Yamashita, kaya makakasama po ako ng pinsan kong si Rick Bravo (Ahron) sa buong adventure po namin, sa paghahanap po ng mga gold,” esplika pa n Alfred.

Tampok din sa pelikulang Bakas ni Yamashita sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Angie Montero, Simon Ibarra, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Lance Raymundo, Chotto Matte Kudasai

Lance handang mag-frontal sa pelikula

MATABILni John Fontanilla HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula. Tsika ni Lance nang makausap …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …