Xyriel Manabat

Xyriel Manabat nagpahikaw sa leeg at dibdib

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens ang nagulat nang mag-post sa kanyang Instagram ang dating child star at ngayon ay dalagang-dalaga ng si Xyriel Manabat dahil nagpalagay ito ng hikaw sa leeg at  dibdib.

Nakilala at sumikat si Xyriel sa teleseryeng 100 Days to Heaven na nasundan ng Momay, Agua Bendita, Hawak Kamay, at Ikaw ay Pag-ibig.

Post nga nito sa kanyang IG, “Achieving my ‘naudlot’ DECEMBER BUCKETLIST,”  sa picture na kanyang in-upload.