Wednesday , July 17 2024
Marco Gomez Mamasapano

Marco wish makagawa ng sexy action film

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LIBRE nga lang ang mangarap. At maganda ito kung may ginagawa kang paraan para maabot o makamit mo.

‘Yan ang nangyayari ngayon sa career ng  nagsimulang singer at dancer sa Clique V ni Len Carillo ng 3:16 Media Network.

Ngayon, nabigyan na ng pagkakataon si Marco Gomez sa pag-arte.

Agad-agad, sexy ang papel na ginampanan niya. At naging bahagi na siya ng Viva Artists kaya may mga pelikula na siyang ginagawa for Vivamax.

At sa pagkakataong ito, isa siya sa napisil ng Borracho Productions ni Atty. Ferdinand Topacio para makasama sa Mamasapano.

Kuwento ni Marco, “I am playing the role of Reniedo. Isa ako sa SAF 44 ng Seaborne 13.”

Ang paggawa ng pelikula sa panahon ng pandemya.

Very tiring because we did all the stunts in the scenes, like gumapang kami sa putik or jumping off a truck but at the same time super masaya.

“My most unforgettable moment would be the scenes where we did our own stunts. Pangarap ko mag-action since I was a small kid.”

Sa rami ng nakasama niya sa cast, kanino siya naging malapit?

Actually close kaming lahat. I didn’t expect to be close to everyone in the cast. Especially we are all boys sa cast. This is my first time doing an action movie.”

Sa height ng pandemya, naging buhay ni Marco ang pagti-Tiktok kasama ang mga “kapatid” niya sa Clique V at Belladonnas.

“I still love doing tiktok videos. I’ve almost got 500k followers on Tiktok. Unfortunately lately I couldn’t do much Tiktok videos since I got busy doing movies and workout.”

Ano na ang mas gagawin ni Marco?

Any kind of movie is a chellenge for me. Pwede bang sexy action movie? Hahaha!”

Why not?

About Pilar Mateo

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …