Friday , May 27 2022

Andrea del Rosario masaya sa paghataw ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

PATULOY ang pagiging abala sa iba’t ibang proyekto ni Andrea del Rosario.

Ngayon ay nasa lock-in shooting siya ng bagong pelikula ni Direk Joel Lamangan, titled Island of Desire. Ito ay pinagbibidahan ng maganda at seksing talent ni Ms. Len Carrillo na si Christine Bermas.

Inusisa namin ang aktres hinggil sa bago niyang pelikula.

Reply sa amin ni Ms. Andrea thru FB, “Hi! It’s a Joel Lamangan film, under Viva Films. Medyo sexy ‘yung movie. It’s a story about this girl na medyo may hallucinations siya…

“Snapping from reality and another dimension, parang 1950s daw ang treatment nito… So I’m her doctor, Ilang scenes lang naman,” nakangiting esplika ng aktres.

Naka-work na ba niya before si direk Joel? “Yes, sa pelikulang Felix Manalo, Hindi Tayo Puwede with Lovi Poe, and a lot more.”

So, sanay na siya sa style ni Direk Joel? “Of course or any director… They have so much responsibility and pressure on their shoulders, e. Kaya they can be a bit demanding, all he wants is for us actors to come to work prepared and do our jobs right.”

Ano ang reaction niya na ang Vivamax ay humahataw at itinuturing bilang no. 1 Pinoy streaming platform with more than 2 million subscribers?

Aniya, “Yes, ‘coz sumasabay sila sa globalization, with Netflix there… We can see that matatapang na rin ang movies, even big budgeted.”

Para sa former Viva Hot Babe, good news ito dahil maraming nabibigyan ng trabaho sa showbiz industry, lalo na ngayong pandemic na madalang ang pagdating ng mga project.

“Yes, that’s the most important part, for the industry to keep on going, not only for us actors, but for those people behind the scenes,” pakli ng aktres.

Thankful din si Andrea na kahit kasisimula pa lang ng taon ay sunod-sunod ang kanyang proyekto sa TV at pelikula.

“Yes, super blessed knowing that a lot of people are having a hard time now a days. Yes, Boss Vic del Rosario called me for a project with Viva, a bit daring… Hehehe,” sambit ni Ms. Andrea.

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …