Wednesday , May 25 2022
Sean de Guzman

Sean hiniwalayan ng GF; Paggawa ng sexy films ‘di tanggap

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ng bida sa pelikulang Hugas na si Sean de Guzman na ang kanyang leading lady sa pelikula na si AJ Raval ang dahilan kung  bakit single na ulit siya ngayon.

Ayon kay Sean, nakaapekto ang mga love scenes nila ni AJ sa Hugas sa kanyang relasyon sa ex-girlfriend.

Hindi umano nito kaya na nakikitang nakikipaghalikan siya sa iba.

Na naging dahilan para makipaghiwalay ito sa kanya.

Ayon pa sa alaga ni Len Carrillo, napagod umintindi ang kanyang ex dahil magkaiba sila ng field.

Kuwento naman ni AJ, nandoon siya noong nakipag-break ang ex ni Sean.

Nangyari ang hiwalayan nang nagba-vlog umano ang dalawa.

Naghiwalay din sina AJ at dating nobyong si Axel Torres dahil mas pinili ng dalaga ang career kaysa love life.

At sinabi ni AJ na isang dahilan ay ang paggawa niya ng daring roles sa pelikula.

Showing na ngayon ang Hugas na mapapanood sa Vivamax.

About Rommel Placente

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …