Wednesday , August 17 2022
Jelai Andres, Rhea Tan, Beautéderm Health Boosters

Jelai Andres, malaking blessing ang pagiging endorser ng Beautéderm Health Boosters

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRANG kaligayahan ang naramdaman ni Jelai Andres nang maging bahagi siya ng Beautéderm family.

Aniya, “Ang naramda­man ko, I feel so blessed and sobrang happy po. Kasi, sa dinami-dami ng mga actors, actress, endorsers… isa ako sa pinagkatiwalaan ng Beautederm health booster and happy ako na nag­tiwala sila sa akin na i-endorse ang mga product na ito.

“Alam ko naman na hindi ako mapapahiya sa mga tao na i-promote at ipagamit din sa ating mga kababayan itong Beautéderm Health Boosters. Maraming-maraming salamat po, super happy po ako.”

Ang Beautéderm Corporation ay patuloy sa pagpo-promote ng healthy living sa pagsalubong nito sa aktres, YouTube content creator, at social media personality na si Jelai bilang brand ambassador ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters – ang pinakabagong line ng health supplements nito.

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.

17.7 million ang consolidated followers ni Jelai sa kanyang Facebook, Instagram, YouTube, at Twitter platforms at dahil dito’y isa siya sa pinaka-prominen­teng influencers sa social media ngayon. Ang gahi­gan­teng following ni Jelai sa social media ang nagbigay daan sa kanyang very promising career bilang isang aktres na lumabas siya sa pelikulang Feelennial noong 2019 at pati na rin sa mga top-rating serye ng Kapuso Network gaya ng One Of The Baes at Owe My Love at pati na rin sa YouTube short films na Barang at Sama Ka.        

With an extremely active and busy lifestyle, mahalaga para kay Jelai na panatilihin ang kanyang magandang kalusugan lalo ngayong pandemya,

“Importante para sa akin ang tamang oras ng pagtulog, uminom ng maraming tubig, at siyempre healthy diet. Mahalaga rin ang outlook. Sinisiguro ko na lagi akong nakangiti at masaya. Siyempre, kailangan ko ang aking daily dose ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters para maharap ko ang aking araw at makom­pleto ko ang ang mga dapat kong gawin sa araw-araw nang mayroong vigor at vitality.”

“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” saad ng Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that.”  

Ano ang message niya na officially ay part na ng Beautéderm family si Jelai? “I’m very excited, kasi ay tuturuan niya akong mag-Tiktok,” pabirong wika ng lady boss ng Beautéderm.

Pagpapatuloy pa ni Ms. Rhea, “So, welcome to our Beautéderm family Jelai and alam kong mag-e-enjoy ka rito… at the same time I know that you will be very happy and proud na i-promote ang mga produktong ito, kasi ito’y dekalidad at nasa industry for more than 13 years now.”

Ang launch ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay in line sa on-going 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula noong Agosto 2021 at nataon din ito sa birthday celebration ni Ms. Rhea na nangyari last November. 

“My team and I have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for over a year now. The pandemic has taught and reminded us so many things – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, that family is very precious, and that we should always take care of our health.

“We need to boost our immune system and take care, not just of our bodies but also our minds as well. Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay ang aking maliit na kontribusyon to make sure that everyone is in tiptop shape and healthy. Tama si Jelai na kailangan natin ng vigor and vitality in accomplishing our daily tasks and Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters is here to help us live the healthy lifestyle that we all deserve,” masayang esplika ni Ms Rhea.

About Nonie Nicasio

Check Also

AJ Raval

Baril mas gustong hawakan  <br> AJ GRADWEYT NA SA PAGPAPA-SEXY 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKITA namin ang kasiyahan kay AJ Raval sa media conference ng pinakabago …

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …