Monday , December 6 2021
Kuya Germs Isko Moreno Yorme

That’s Entertainment members nag-reunion sa Yorme

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MULING nagsama-sama sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story ang ilan sa mga dating sikat na miyembro ng youth oriented show ni German “Kuya Germs” Moreno na  That’s Entertainment

May cameo role sa Yorme sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos, at Maricar de Mesa. Gumanap naman bilang parents ni Isko sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang discoverer at talent manager ni Isko.

Malaki rin ang role ni Janno Gibbs sa musical film dahil siya ang nagbigay buhay sa karakter ng star builder na si Kuya Germs. Dahil ang Yorme ay istorya ng buhay ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsimula ang showbiz career sa That’s Entertainment kaya sinadya ng director nitong si Joven Tan na bigyan kahit maliliit na role ang dating mga kasamahan ni Isko sa programa.

Ayon kay Direk Joven, madali niyang napakiusapan ang mga ito. Ang medyo naging mahirap lang para sa kanya ay kung saan hahagilapin ang iba dahil karamihan sa kanila ay hindi na rin aktibo sa showbiz.

“Wala namang naging problema. Excited pa nga sila, eh,” lahad ng direktor.

Ang Yorme na ipinrodyus ng Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films ay pinagbibidahan nina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko), at Xian Lim (present generation Isko).

Mayroong 15 original songs sa pelikula na lahat ay isinulat ni Joven na isa ring award-winning songwriter at 2013 grand champion ng Himig Handog P-Pop Love Songs para sa kantang Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa. Kabilang dito ang kantang Naniniwala Ako ni Raikko, Nais Ko at Artista Na Ako ni McCoy, at Alam Ko Po Yon ni Xian.

May production numbers din si Janno as Kuya Germs ng mga kantang Palakpakan at Bakit Lahat Gustong Mag-artista? suot ang kumikinang nitong coats na naging trademark noon ni Kuya Germs. Of course, may kaunting kuwento rin tungkol sa humble beginnings ng Master Showman bago siya nakilala sa industriya.

Ang pelikulang Yorme ay very entertaining dahil sa magagandang kanta at production numbers ng cast. Ipakikita ng pelikula ang mga naging struggles ni Isko noong kanyang kabataan hanggang pasukin niya ang politika. Mapapanood ang Yorme sa mga sinehan sa Dec. 1.

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Isko Moreno, Yorme The Isko Domagoso Story

Yorme: The Isko Domagoso Story sa Jan. 26 na mapapanood

MAPAPANOOD pa rin sa mga sinehan ang musical bio-flick ni Manila Yorme Isko Moreno na Yorme: The Isko …

Marian Rivera Beatrice Luigi Gomez

Marian Rivera hurado raw sa Miss Universe 2021?

I-FLEXni Jun Nardo TIKOM pa ang bibig ng GMA Network at Triple A management team ni Marian Rivera, kaugnay …

Bong Go Willie Revillame

Willie nalungkot sa pag-atras ni Go

FACT SHEETni Reggee Bonoan INANUNSIYO na ni Sen. Bong Go na iniaatras na niya ang kandidatura sa pagka-Presidente ng Pilipinas. …