Friday , July 26 2024

Barbara Miguel, happy sa ginampanang papel sa pelikulang Walker

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MALAKING challenge kay Barbara Miguel bilang aktres ang pelikulang Walker, na gaganap siya bilang mentally challenged na ibinubugaw ng sariling lola sa mga foreigner.

Ang walker ang bagong tawag ngayon sa mga binansagang kalapating mababa ang lipad o prostitute.

Hatid ng New Sunrise Films, ito’y pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan at mula sa panulat ni Troy Espiritu. Tampok dito sina Allen Dizon, Rita Avila, Sunshine Dizon, Edgar Allan Guzman, Elora Españo, Dorothy Gilmore, Jim Pebanco, Dave Bornea, Rico Barrera, Alex Agustin, at iba pa.

Thankful si Barbara sa pagiging bahagi ng pelikula.

Lahad niya, “Gusto ko lang pong magpasalamat kay Sir Dennis (Evangelista) and of course kay Direk Joel Lamangan dahil binigyan niya ako ng chance na maging part po ng movie na ito. Excited po ako and sobrang pressured po ako sa role ko.”

Dagdag pa ng 17 anyos na dalagita, “May autism po iyong character ko na si Jonah and bago mag-shooting ay kinakabahan po ako sa mga gagawin kong eksena. Pero dahil nga po kay Direk Joel ito, talagang inisip ko na lang na gagalingan ko po.”

Nabanggit din ni Barbara na masaya siya sa kinalabasan ng pagganap niya rito.

“Happy naman po ako sa outcome ng pagganap ko po sa character na may ASD (Autism Spectrum Disorder) and nagustuhan naman po nila direk… So roon pa lang po ay masayang-masya na ako, hahaha!” Pakli pa niya.

Napapanahon ang tema ng pelikula na hinggil sa prostitusyon. Makikita rito ang isang pamilya ng mga prostitute, pati na ang mga masasamang elemento ng kapulisan na nagpapahirap sa maraming tao.

About Nonie Nicasio

Check Also

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Dustin Yu

Dustin Yu speechless itinanghal na New Male Movie Actor

MATABILni John Fontanilla HINDI maipaliwanag ng Sparkle artist na si Dustin Yu ang sayang naramdaman sa pagkapanalo sa 40th PMPC …