Sunday , August 14 2022
Sharon Cuneta Coco Martin

Sharon makikipagbakbakan na sa Ang Probinsyano

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“YES agad!” Ito ang sinabi ni Sharon Cuneta sa virtual media conference sa pag-welcome sa kanya bilang kasama na sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sinabi ni Sharon na si Cory Vidanes, ABS-CBN’s COO for broadcast ang kumontak sa kanya para sabihing gusto siyang maging parte ng longest-running action-drama series na ngayo’y nasa ikaanim na taon na.

“Ang dali lang. When Tita Cory sent me a text message, ‘We’d like to offer you a role in ‘Probinsyano,’ yes agad. Nag-Zoom meeting kami and Coco pitched the story to me, ‘yung character ko. For me, it was a no-brainer. Sino ba naman ang ayaw maging part ng ‘Probinsyano?’” masayang kuwento ni Sharon na bago ang zoom conference ay nagkaroon siya ng red carpet welcome sa ABS-CBN at sinalubong siya ni Coco kasama sina Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Pag-amin ni Sharon, hindi lang siya ang excited na mapasama sa Ang Probinsyano “Oo agad. It was so easy for me na in spite of the lockdown, in spite of malalayo ako sa pamilya ko. My family is actually excited to see me on the show, buong household namin, pati mga kasambahay. Sobrang thrilled ako to be part of this.”

Sinabi rin ni Sharon na mabilis siyang napa-oo dahil best friend niya ang dating Fernando Poe Jr., bukod pa sa ito ang original na gumawa nito.

“FPJ was my best, best friend in the business. I really wanted to be a part of this because Coco has maintained FPJ’s legacy and made it shine even brighter. I am grateful to Coco for that and Tita Susan (Roces) also. This really belongs to FPJ and I am glad that I will be part of it as a tribute to him.”

So, ano nga ba ang magiging role ni Sharon sa Ang Probinsyano? Siya ba ang bagong karakter na tutulong kay Cardo (Coco), o ang bagong kalabang gabi-gabing panggigigilan ng mga manonood?

Anito, “I think magkakaroon ng halo–drama at action–kasi tinanong ako ni Coco kanina kung gusto kong mag-action. Kasi I’ve worked with the big action stars from FPJ to Rudy Fernandez to Bong Revilla and of course Robin Padilla. But new image? Sorry, I am bringing you back Sharon na nakasanayan niyo pero mas older, wiser na. Napaka-complicated ng back story, ‘di ba? Malalim ‘yung istorya ng panggagalingan ng character ko.”

Sa kabilang banda, inamin ni Sharon na kinakabahan siya. “Ang nerbiyos ko lang, paano kaya gumawa ng teleserye every day? Sanay ako na movies eh. Iba siyempre, ‘di ba? At ‘yung ang laki-laki ng papasukin kong teleserye kasi it’s been number one for six years.”

Ang pagpasok ni Mega sa FPJ’s Ang Probinsyano ang isa sa mga pinaka-inaabangan, pinakapinag-uusapan, at pinakahihintay na balita ng Kapamilya fans lalo na’t maraming mga bituin na ang naging bahagi ng show sa nakalipas na anim na taon.

Ito rin ang isa sa mga pinakamalaking sorpresa ng anniversary celebration ng FPJAP sa patuloy nitong paghahatid ng de-kalidad na entertainment at mahahalagang aral gaya ng pagmamahal sa pamilya at komunidad sa bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo.

Patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ikaanim na taon nito bilang ang unang Pinoy teleserye na ipinalabas sa YouTube na paulit-ulit nitong sinisira ang sariling live viewership record na umabot sa all-time high na 162,831 concurrent viewers. Nagkamit na rin ito ng higit sa 100 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies, at patuloy na sinusundan sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Netflix at The Filipino Channel at sa ibang bansa gaya ng Vietnam, Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

Kaya abangan ang paglabas ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …