Monday , August 8 2022
Francis Grey
Francis Grey

Francis Grey handang ipakita si ‘jun-jun’ sa tamang proyekto

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nang Dumating si Joey na pinagbidahan ni Francis Grey, sunod-sunod na ang proyekto niya.

Sa ngayon ay nasa proseso ang management ni Francis sa pagpili ng tamang proyekto lalo’t napansin ang husay nito sa nasabing proyekto na idinirehe ni Arlyn Dela Cruz.

At kahit nga naging mapangas ang binata sa pagpapakita ng kanyang butt sa Nang Dumating si Joey, mas napansin pa rin ang husay sa pag- arte.

Pero ayon kay Francis, willing itong magpakita ng kanyang private part kapag maganda ang pelikula, mahusay ang director, at kung talagang kinakailangan para mas maganda ang pelikulang kanyang gagawin.

Dagdag pa nito na kung si Coco Martin  na kanyang idolo ay nagawang tumodo sa pagpapaka-daring noong nagsisimula pa lang ito, kaya naman niya ring gawin iyon.

At para nga mas maging mahusay pang umarte, nag-undergo siya sa acting workshop at isinasabay din ang pagpapaganda ng katawan para sa susunod niyang pelikula.

About John Fontanilla

Check Also

Arron Villaflor

Aaron kinakabahan sa pagsabak sa Vivamax

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NO-NO si Arron Villaflor sa frontal nudity pero totodo siya sa paghuhubad …

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …