Saturday , November 27 2021
PANGIL ni Tracy Cabrera

Gutom sa Kapangyarihan

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Leadership is a privilege to better the lives of others. It is not an opportunity to satisfy personal greed.

— Former Kenyan  president Mwai Kibaki

PASAKALYE:

Text message

Iyang si Isko, pinatakbo lang ‘yan ni Digong para maging magulo ang eleksiyon at makalusot ang plano nilang pandaraya. S’yempre nga naman kung magiging one-on-one ang laban sa pagka-presidente, mahahalata kung dadayain nila. Pero kung maraming tatakbo, tiyak makalulusot sila. Isipin na lang ng mga magiging kalaban ng patatakbuhin ni Duterte, nasa kanila ang pera at makinarya at sila pa ang nakapuwesto at hawak ang pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno — paano mananalo ang oposisyon?

— Anonymous (090728934…)

* * *

AYON sa alumni ng partidong politikal ng University of the Philippines, ‘hilo’ raw si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung inaakala niyang kaya niyang talunin si vice president Leni Robredo sa nalalapit na national elections sa Mayo sa susunod na taon.

Habang nakapag-anunsiyo ang anak ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos, Sr., sa kanyang desisyong tumakbo bilang presidente, nagsanib  ang mga student organization, fraternity, sorority at iba pang mga grupo ng kabataan sa UP para tuligsain at harangin ang kandidatura ni Bongbong.

Sa unity statement, sinabi ng 31 youth group sa UP Manila na si Marcos “ay walang pansariling nagawa” at umaasa lamang sa “sinasabing mga accomplishment” ng kanyang ama para suportahan ang kanyang political career.

Sadyang binatikos ng mga kabataan ang “desperadong tangka” ni Bongbong para makapuwesto sa pamahalaan.

Wika nila: “The power-hungry Marcos family will always jump at any opportunity to reclaim authority.”

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alyansa palakasin para sa Pag-asa Island/WPS — Eleazar

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATAPOS magtanim ng bandera ng bansa sa Pag-asa Island sa kalagitnaan …

Bulabugin ni Jerry Yap

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Paalam pre…

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. LABIS akong nabigla at nalungkot nang mabalitaan …

Bulabugin ni Jerry Yap

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Nightclub sa Parañaque nag-ooperate kahit walang business permit/s

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata SUPER POWER naman itong  Dynasty Club, KTV/Disco Bar na …