Wednesday , October 20 2021
Ping Lacson, Tito Sotto
Ping Lacson, Tito Sotto

Lacson-Sotto sa 2022 virtual na inilunsad

SA PAMAMAGITAN ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon, ‘virtual’ na inilunsad ng tambalang Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanilang kandidatura para sa 2022 national elections, may temang “Ito ang Simula.”

Tatakbong presidente si Lacson, at bise-presidente si Sotto para umano sa pagbabago, hindi lamang sa sistema ng pamahalaan kundi sa kabuhayan ng bawat mamamayang Filipino.

Kasama nina Lacson at Sotto sa paglulunsad ng kanilang kandidatura ang ilang tagasuporta at kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng isang multi-media production gaya sa isang programa sa telebisyon.

Hindi gaya sa mga nakaraang eleksiyon at paglulunsad ng kandidatura, walang grandiosong mobilisasyon ang tandem na Lacson at Sotto.

Tinatawag ng dalawa ang isa-isa bilang ‘partner’ dahil sila umano ay magtutulungan at magkakaisa para sa mamamayang Filipino.

Hindi malinaw kung sino-sino ang pinal na  magiging senatorial slate ng dalawa at kung ano-anong partido ang sumusuporta sa kanila.

Si Sotto ay bahagi ng National People’s Coalition samantala si Lacson ay mula sa Aksyon Demokratiko.

Ilang netizens ang nagpahayag ng suporta sa dalawang senador pero may nagpahayag na mas bagay tawaging LAC-TO ang kanilang tadem, dahil sa pagkakaugnay sa Kuratong Baleleng ni Lacson, at kay Alfredo Tiongco ni Sotto.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US …

Covid-19 fully vaccinated senior citizen

FULLY VACCINATED SENIOR CITIZENS, PUWEDE NANG ‘MAGLAMYERDA’

PINAPAYAGAN na ang mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa …

102021 Hataw Frontpage

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

ni Rose Novenario MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals …

TCI, Dito, Globe, Smart

SUBSCRIBERS LUMIPAT SA DITO NAPAKATITING

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network …

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Leave a Reply