Sunday , December 5 2021

Driver, pahinante, 91 pa todas, 1 sugatan (Truck nawalan ng kontrol sa Southern Leyte)

BINAWIAN ng buhay ang isang driver at ang kanyang pahinante nitong Lunes ng hatinggabi, 5 Setyrembre, nang mawalan ng kontrol ang minamanehong truck sa kahabaan ng national highway sa bahagi ng Brgy. Katipunan, bayan ng Silago, lalawigan ng Southern Leyte.

        Bukod sa driver at pahinante, namatay din ang 91 baboy na ihahatid sa Tacloban mula sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ni P/Lt. Joseph Tiauzon, hepe ng Silago Police Station, ang mga namatay na sina Romualdo Nebria, driver ng truck; at Junjun Berdida, pahinante.

Samantala, sugatan ang isa pang pahinanteng kinilalang si Shedrick Dave Arro at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Ani Tiauzon, may karga ang truck na 120 buhay na baboy mula sa Zamboanga Del Sur patungong lungsod ng Tacloban nang maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigador ng kasong si Pat. John Rey Raquel, bumangga sa malaking bato ang truck sa national highway nang mabigo si Nebria na imaniobra ang sasakyan sa pakurbang bahagi ng kalsada,

About hataw tabloid

Check Also

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa …

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng …

2 babaeng miyembro ng kulto minolestiya
‘FAKE HEALER’ KALABOSO SA ABUSO

ARESTADO ang lider ng isang pinaniniwalaang kulto sa bayan ng Asturias, lalawigan ng Cebu dahil …

Manny Asuncion

Sa pagpatay sa labor leader
MURDER VS 17 PARAK SA BLOODY SUNDAY

NAHAHARAP sa kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpatay kay labor leader Manny …

Leave a Reply