Friday , March 1 2024
Ely Buendia, Metro, Ping Lacson
Ely Buendia, Metro, Ping Lacson

Metro ni Ely Buendia bagay kay Ping Lacson

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKAS ang dating ng bagong kanta ni Ely Buendia, ang Metro. Ukol kasi ito sa pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022.

Kaya hindi kataka-taka kung pinag-uusapan ito at maingay. Malapit na kasi ang election kaya naman swak ang kantang Metro.

Unang ginamit ang kanta sa We Need A Leader, 2022, isang movement na nananawagan para sa mahusay na pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022 elections.

Matapang ang mensahe ng kanta ni Ely. Tulad ng, ”Mga abuso sa kapangyarihan/At maling pamamalakad/Ang sagabal sa kaunlaran.” Mayroon pang, “Kapatid ‘di pa ba nagsasawa?/Tumatakbo ang metro/Isa lang ang iyong pagpipilian/Pangulo ba o pang gulo?”

Sa awitin ay may panawagan si Ely, ”Panahon na upang imulat ang mata sa katotohanan/Pandemya at kawalan ng kabuhayan/Asan na ang nawawalang lupa’t pera/Bagsak ang ekonomiya/Di ka ba nagtataka?/Pinunong may talino, puso at tapang/Ito ang kailangan ng ating bayan.”

Nitong Agosto ay muling lumabas ang video ng kanta ni Ely. Pero makikita na ang pangalan at larawan ni Senador Ping Lacson na tatakbong pangulo sa 2022 at suportado siya ng We Need A Leader 2022 movement.  

Patunay ng pagsuportang ito na si Ping ang may taglay na talino, tapang, lakas ng loob, paninindigan, at malasakit ng isang tunay na lider na kailangan ng bayan sa 2022. Na siyang sinasabi sa kantang Metro.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Sandaran Park

Sandara at Coco pinag-uusapan proyektong pagsasamahan

MATABILni John Fontanilla NASA bansa ngayon ang KPop artist na si Sandaran Park para sa promotion ng …

JK Labajo

JK Labajo naloka nawawalang underwear ibinebenta online triple pa ang presyo

MA at PAni Rommel Placente SA eksklusibong panayam ng PEP.ph sa singer-actor na si JK  Labajo, naikuwento niya …

Tom Rodriguez

Tom sa pagbabalik-showbiz: I feel buo na uli ako

MA at PAni Rommel Placente MAHIGIT dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez, na …

Sofia Pablo Eras Tour Taylor Swift

Sofia nabogus sa Eras Tour ni Taylor Swift

BIKTIMA ng bogus ticket seller ang Sparkle artist na si Sofia Pablo para sa Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore. Maaga …

blind item

Talent hindi nababayaran ‘di rin pwedeng baratin

ni Ed de Leon ISANG magandang subject na talakayin ang tanong na natatawaran ba ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *