Friday , May 17 2024
Duterte Willie Revillame

Willie may sagot na kay Duterte; Wowowin hiling na ‘di mawala

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ISA sa mga araw na ito ay kakausapin na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte si Willie Revillame para sa hiling nitong kumandidato sa 2022 election.

Base kasi sa nakita ni PRRD, mahal na mahal si Willie ng masa dahil sa mga nagagawa nitong pagtulong lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 na galing mismo sa bulsa nito ang ipinamahaging tulong.

Kaya naniniwala ang Pangulo na malaki ang tsansa ng TV host na manalo sa darating na eleksiyon.

Kaya pala nitong nakaraang linggo ay nagpahayag si Willie na may malaki siyang anunsiyo ngayong linggo at nagpahayag na rin na sana hindi mawala ang Wowowin kapag hindi na siya ang host.

Ayon sa aming source, abot-abot ang panalangin ni Willie na sana bigyan siya ng mga senyales bago siya kausapin ni Presidente Duterte para alam niya ang isasagot.

Dahil ilang beses nang tinanggihan ni Willie ang alok sa kanyang kumandidato sa unang pag-uusap palang nila na sinabihan siya ng pangulo na pag-isipang mabuti ang alok at saka sila muling mag-usap.

At ngayong linggo nakatakdang mag-usap sina Willie at Pangulong Duterte kaya abangan ang final answer ng TV host isa sa mga araw na ito.

Base naman sa mga nababasa naming komento, marami ang may gustong kumandidato si Revillame para mas malawak pa ang tulong na maihahatid nito sa mga kababayan niya lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar sa buong Pilipinas.

May mga naririnig din kaming mas okay na nasa TV na lang si Willie dahil madali siyang makausap o maabot ng masa dahil kapag nasa puwesto na siya ay baka marami pang pagdaraanan bago makarating sa kanya ang problema.

Well, parehong may punto ang mga nabasa namin, at the end of the day, si Willie ang may final say.

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent …

Award-winning aktor batid na may kapatid sa labas

I-FLEXni Jun Nardo MAY stepbrother pala sa ama ang isang sikat at award-winning aktor na pamisan-minsan ay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Male starlet may mga picture, video na hubo’t hubad na nasa pag-iingat ng baklang syota

HATAWANni Ed de Leon TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may …

KC nagpasalamat, nangako aalagan si Sharon

HATAWANni Ed de Leon KAHIT na sinabi ni Sharon Cuneta nang diretsahan na hindi sila nagkakasundo ng …

Kylie Padilla

Kylie inamin mahirap pagiging single mother

HATAWANni Ed de Leon MAY post si Kylie Padilla noong Mothers’ Day, kasama ang dalawa niyang anak. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *