Monday , October 25 2021

Quinn Carillo, na-excite sa pelikulang Silab

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKA-FOCUS ngayon si Quinn Carrillo sa weekly TV show nilang Sikat Noon, Sikat Ngayon na napapanood sa EuroTV every Saturday, 4:00 to 5:00 pm.

Inusisa namin siya kung kumustang katrabaho sina Lito and company?

Lahad ni Quinn, “Right now, medyo busy lang din po sa show sa EuroTV… masaya naman siya, okay po katrabaho talaga sina Ate China (Roces), si Ms. Erica Embang, and then ‘yung bagong manager ko na si Tito Lito De Guzman po.”

“Okay po sila… si Ate Erica po, sobrang kulit niya kahit on and off air. Si Tito Lito ‘yung mga nagsasabi ng guest, tapos ‘yung kung ano ang itatanong,” nakangiting saad ni Quinn.

Nabanggit niyang nag-e-enjoy siya sa pagiging host ng Sikat Noon, Sikat Ngayon.

Aniya, “Yes, definitely… kasi maganda rin na malaman ‘yung (mga) stories ng (mga) iba’t ibang tao. Lalo na noong first salang ko roon is Father’s Day, tapos ang mga ini-interview namin is mga gay father.”

So far, sino ‘yung na-interview niya na na-excite siya and sino pa ang wish na ma-interview in the future?

Esplika ng aktres/dancer, “Ang mga na-interview ko pa lang po before, noong nakaraan ay ‘yung casts ng Lockdown and then last Saturday, si Krista Miller. Dati po siyang artista, tapos nagbabalik siya ngayon.”

Dagdag ni Quinn, “Hindi ko po sure kung sino ang wish kong ma-interview, siguro ‘yung mga celebrity crush ko at mga idol ko since childhood. Iyong talagang mae-excite ako kapag na-interview ko like sina Ms. Angel Locsin and siyempre ‘yung crush ko na si Alden (Richards).”

Napanood na ba niya ang Silab na pinagbibidahan nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jason Abalos, sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan?

Tugon ni Quinn, “Yes po, napanood ko na. Nakaka-excite, kasi napanood ko siya una, ay raw pa lang po. So, raw pa lang ay nagagandahan na ako, so what if iyong final na? Na may color na and everything, saka may music na? Nakakadagdag ng feel… so nakaka-excite, kasi maganda talaga siya. Kaya dapat panoorin nila ang Silab.”

Paano niya ide-describe ang pelikula, may aral bang mapupulot dito?

“Well, hindi siya ‘yung klase ng movie na tipong may aral na mapupulot. Basta, it’s something different na mapapaisip ka na lang, na bakit ganoon, bakit ganyan?”

May ihinahanda na bang project sa kanya ang Viva?

“Yes po, yes… bale ang pinirmahan ko po sa kanila ay guaranteed picture kasi, so definitely ay may ibibigay talaga silang project every year. Right now, iyong ibang project na sinabi sa akin ay hindi ko pa po puwedeng sabihn, hehehe.”

So, may naka-line-up na talagang project this year? “Mayroon po, may sinabi po sa akin,” matipid na sagot pa niya.

Nasa kalagitnaan na ng 2021, ano ang ini-expect niya sa kanyang career?

“Sa career ko po, actually ay hindi naman ako nagmamadali. Kasi, ako po ‘yung tipo ng tao na, you know, go with the flow… whatever comes up, parang tamang hintay lang din ako kung anong work ang ibigay nila, tapos I’ll do my best para mapansin nila. Pero I’m hoping for the best naman din, lalo na at naka-sign na po kami under Viva Artists Agency.

About Nonie Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Ara Mina, Dave Almarinez

Ara suportado ang asawang si Dave Almarinez

I-FLEXni Jun Nardo ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone …

Blind Item, Men

Male starlet pinagpasasaan ng sakrekwang kalalakihan

NAGULAT kami roon sa nakita namin sa aming newsfeed noong isang araw sa isang social media …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding

Kasalang Tom & Carla napaka-pribado

HATAWANni Ed de Leon MAGKASAMA ang dating mag-asawang sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes, sa paghahatid sa …

Mel Sarmiento, Kris Aquino

Kris Aquino inalok na ng kasal ni dating DILG Sec Mel Sarmiento

ni MARICRIS VALDEZ NAGULAT ang lahat sa bagong pasabog post ni  Kris Aquino sa kanyang Instagram, ito ay …

Leave a Reply