Wednesday , October 20 2021

BB Gandanghari muling ibubuko ang sarili sa Live: BB. Uncut Who Killed RP?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NANG lumisan ng bansa si Rustom Padilla at lumantad sa tunay niyang katauhan bilang BB Gandanghari, inakala ng halos lahat na mayroon lang ito’ng tinatakasan o tinatakbuhan sa Pilipinas.

Itinatwa ‘yun ni BB sa isang panayam sa kanya.

“I don’t ask for respect or demand it! Ang daming bakit noong umalis ako ng Pilipinas. Isa na roon ‘yung tanong kung bakit ko raw pinatay si Rustom. Hindi ko naman sinabing Rustom is dead for nothing. I’ve cried and grieved over that. It was not easy to stop a part of you. What I wanted to say was Rustom’s dream is dead and gone. At ang good side of it naman sa akin eh my new dreams and hopes. Rustom won’t be back! He’s dead! Though hindi ganoon kadali. And I cannot do that na mag-back and forth. Ano ‘yun as beefcake bilang lalaki tapos as transwoman?”

Marami ang sumubaybay kay BB sa ginawa niyang Uncut series online na she spoke her mind tungkol sa lahat ng bagay sa kanya. Mga ka-relasyon. Mga kaibigang inilaglag siya. Even naming a lot!

Pero may times na nagpapahinga siya. At nakaabot naman sa 14 na kabanata ang kanyang Uncut.

Kaya ngayon, naisip niyang ibahagi ito sa kanyang mga tagahanga pero sa ibang paraan. Live na mapapanood ang kanyang BB. Uncut Who Killed RP? sa July 17 at 31 at August 14, 21 at 28, 2021 sa La Mesa Restaurant & Bar sa 975 W. San Bernardino Rd. Covina, California sa Amerika.

Ayon kay BB, ”Now that I can say na I am comfortable (kahit masakit pa rin) with where I am now, na wala na ang confusion and self-doubt, LIVE nila akong makakausap dahil itsitsimis ko ang sarili ko!

“Very very light na conversations sa mga dadalo sa red carpet event so it’s going to be very interactive. Yes, I will name names. Pero bawal ang recording. So, parang private setting lang ang mangyayari. Usap-usap lang. And get to know me up close and personal. 

“Five shows bale. Iba-ibang nights kaya am sure, hindi magkakapare-pareho ang mga usapan. So, iba’t ibang revelations about me ang mangyayari each night. For $40 a night, sagot ko na ang kwento.”

Naibahagi ni BB ang kuwento sa kanyang French guy na ang ending eh, binarkada siya.

“What I am looking for in a mature relationship is someone na very assured of his sexuality and what he wants. It takes a special guy to have that. Kasi, kung hindi nila alam lalo na their sexuality, it won’t work! Iba pa rin kasi sa transgender world. When I go to my doctor, sasabihin ko I am transgender, marami pang kasunod na tanong ‘yun. Kung am I straight, gay, bisexual ba, lesbian…Kaya ako, I am a straight transwoman.”

Komportable na nga siya na nakalabas na siya sa kloseta at sa kahong kinalagyan niya pero ramdam pa rin niya ang sakit na idinulot nito sa kanya.

Nakikita pa rin niya ang tatlong taong gulang na batang nakaharap ang ama na umasam na sana ay niyakap man lang siya o kinausap sa musmos niyang pagkamulat.

“Kung kakausapin ko siya ngayon, wala naman akong masasabi. Siguro yayakapin ko na lang siya. Hindi pa rin naman kasi niya ‘yun maiintindihan. Just embrace him dahil ‘yun ang kinailangan niya that time.” 

Ang kanyang talambuhay ay isisiwalat ni BB sa unang pagkakataon in a LIVE show.

Sana nandoon ako para mapanood siya. Bilang ako ay naging bahagi ng buhay ni RP sa pagiging personal publicist o PR nito.

Ang saya siguro ng show!

Sa kabuuan, umaasam pa rin si BB na sa mga audition na ginagawa niya ngayon para mabigyan ng roles sa TV man o pelikula sa Amerika, maski pa sa iba pang mga bansa, ay makilala pa rin ang talento niya at mabigyan siya ng pagkakataon.

Kung may proyekto naman mula sa ‘Pinas na io-offer sa kanya, nanaisin pa rin niyang makatrabaho ang mahuhusay na direktor na gaya nina Chito Roño at Joel Lamangan.

Maraming sasagutin sa kanyang BB. UNCUT si BB Gandanghari! Sana malaman din natin soon!

About Pilar Mateo

Check Also

Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin …

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Leave a Reply